malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


Anong masasabi nyo sa New NAIA management?

Dec. 05, 2024 (Thu), 70 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Tulad ng alam na po ng nakakarami sa atin dito sa Japan, simula noong September 14 this year, nag-iba na po ang management company na syang nag-ooperate sa nasabing airport sa atin.

Sa mga kababayan natin na nakapag-travel papasok at labas ng NAIA before and after ng pagbabago ng management, ano po ang masasabi nyo sa bagong operator ng tinaguriang worst airport sa bansa natin?

Please share your opinion and kindly respect po natin yong opinion ng ibang kababayan natin.

Sa akin, nitong huling uwi ko sa Pinas after ng pagbabago ng management, ang isang nakatawag pansin sa akin talaga ay ang halos PAGKAWALA ng mga STAFF na GUMAGAMIT ng kanilang SMARTPHONE during work.

Before, halos kada uwi ko po, pagkababa pa lang ng plane, ang daming mga airport staff in uniform na nakikita ko na hawak ang kanilang smartphone habang nagtatrabaho sila.

Pati na din yong nasa screening area kung saan titinitingnan nila using thermal sensor kung may mataas na lagnat ang isang parating na passenger ay nakatotok din sa mga smartphone. Pati na din sa baggage pickup area, maraming mga staff din don na gumagamit ng kanilang phone during work.

But the last time na uwi ko, halos wala na akong makitang staff in uniform sa airport na may hawak na smartphone during work. So kung ito ay bagong policy ng new management ng NAIA para sa kanilang mga staff and workers, I think they did a good JOB here, at sana magbago na nga at gumanda ang services nila.

Kung matagal na kayo here in Japan tulad ko, I think masasanay na kayo here and I think saan mang airport dito sa Japan, wala kayong makikitang staff sa airport na gumagamit ng kanilang smartphone during work. Kabastusan kasi ito sa mga gumagamit ng kanilang facility lalo na pag-during work.

Kayo po, ano ang napansin nyong pagbabago sa NAIA sa ngayon? Share your experience kung nakapagtravel na po kayo after SEPTEMBER 14 this year.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.