Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Nanay, namatay matapos tangkaing sagipin ang nalulunod na anak Aug. 12, 2024 (Mon), 188 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Shimane Yoshika Town. Ayon sa news na ito, isang nanay (母親 hahaoya ははおや), age (年齢 nenrei ねんれい) 40 years old, ang nalunod at namatay (死亡 shibou しぼう), matapos na tangkain nitong sagipin (救助 kyuujo きゅうじょ) ang nalulunod na anak na babae (娘 musume むすめ).
Nangyari ang incident (事件 jiken じけん) kahapon August 11 ganap ng 3:30PM. Kasama ang tatlo nilang anak, pumunta ang mag-asawa (夫婦 fuufu ふうふ) sa isang ilog (川 kawa かわ) sa nasabing lugar upang mag-asobi.
Subalit napansin na lamang nilang napunta ang anak nilang babae, age 7 years old sa malalim (深い fukai ふかい) na lugar (場所 basyo ばしょ ) at ito ay nalulunod kung kayat agad na tinangkang sagipin ito ng mag-asawa.
Ang anak ay nagawang maisampa sa pampang ng kanyang ama (父親 chichioya ちちおや), subalit bigla ding nawala ang nanay nila sa kanilang paningin. Tumawag sila ng rescue at sa tulong (協力 kyouryoku きょうりょく) ng mga locals, nakita ang nanay na nakalubog sa ilalim (底 soko そこ) ng ilog na meron lalim na mahigit 3 meters bandang 5PM.
Agad (緊急 kinkyuu きんきゅう) nilang isinugod ito sa hospital (病院 byouin びょういん), subalit hindi na nailigtas at nai-declare na patay na ito bandang 6PM. Ang ama at anak namang nalulunod ay ligtas (無事 buji ぶじ) at walang natamong injury (怪我 kega けが).
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|