Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Mga nalokong Pinoy careworker, panalo sa kaso laban sa kanilang employer Feb. 07, 2017 (Tue), 6,574 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ayon sa news na ito, natapos na ang pakikipaglaban ng mga kababayan nating careworker na naloko ng kanilang mga employer dito sa Japan matapos na ilabas ng court ang hatol sa kanilang ipinaglalaban noong February 3 kung saan nagkasundo na rin ang both party. Ang mga kababayan natin ay makakatanggap ng 1,000 lapad bilang kabayaran.
Ang kasong ito ay isinampa ng 10 nating mga kababayan sa pangunguna ni 石原チョナ・サバリオ (ISHIHARA CHONA SABARIO) laban sa kanilang employer sa Higashi Osaka City. Ang mga ito ay nagtrabaho bilang mga careworker sa 寿寿 (JUJU) care facility.
Ang mga kababayan nating ito ay inalok ng facility sa Pinas na pumunta ng Japan at mag-trabaho, kasama ang kanilang mga anak na half Japanese upang makunan din sila ng Japanese citizenship, at mabibigyan din sila ng magandang pa-sweldo. Subalit pagdating nila dito ay kakaiba ang naging trabaho at parang itinuring silang mga slave ayon sa kanilang statement.
Pinapirma rin sila ng isang document kung saan nakasaad dito na walang pananagutan ang company kung sakaling meron mangyari sa kanila at mamatay dito sa Japan.
Dahil dito, nagkaisa ang mga nabiktima nating kababayan at nag-decide silang magsampa ng kaso sa kanilang employer bilang paglabag sa kanilang human rights at nanghingi sila ng 4,100 lapad bilang kabayaran sa kanilang sinapit.
Sa nilabas na court na result noong February 3, inamin ng kanilang employer ang kanilang ginawang pananamantala sa mga kababayan natin at nanghingi sila ng apology sa overwork na sinapit nila. Bilang kabayaran dito, sila ay nag-decide na bayaran sila ng 1,000 lapad. Nagkasundo ang both party sa naging result na ito ayon sa news.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|