Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Nagdaang lindol, hindi artificial earthquake Mar. 18, 2022 (Fri), 647 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Sa lindol na nangyari noong nakaraang araw, naging trending sa mga SNS community, na ito ay artificial earthquake or human made daw na dulot ng nuclear test, dahil sa ilang nakitang phenomenon na nakunan ng video.
Ayon sa mga expert about earthquake dito sa Japan, they confirmed na hindi ito gawa ng tao at wala pang kakayahan ang technology natin sa ngayon na makagawa ng ganito kalaking lindol.
Una, ang lakas ng lindol na naitala ay umabot sa magnitude 7.4. Compare sa naitalang lindol na dulot ng nuclear test na ginawa ng North Korea noon na umabot lang ng mahigit magnitude 5.0. Para maabot ang magnitude 7.0, kailangan ang more than 1,000 times na energy sa ginawa nilang nuclear test.
Second, ang lalim ng epicenter ng nagdaang lindol ay nasa 57km. Sa ngayon wala pang kakayahan o technology na makapaghukay ng ganito kalalim ang tao. Ang pinaka-malalim na nahukay na nagawa na dito sa Japan ay umaabot lamang sa 6,300 meter na ginawa nila sa Niigata prefecture for natural resources expedition. Sa ngayon, ang meron world record sa pinakamalalim na paghuhukay ay ang Russia at Qatar na umaabot daw sa 12km.
Third, ang nakita namang lightning ng mangyari ang lindol na nakunan sa video ay dulot daw ng ELECTRIC ARC. Kapag meron nangyayaring lindol na malakas, ang mga power-transmission line (mga malalaking cable na dinadaanan ng matataas na kuryente) ay dumuduyan at kapag dumikit ang dalawang CABLE ay nangyayari ang tinatawag nilang SHORT-CIRCUIT, then kapag ang dalawang cable ay naghiwalay na, don nangyayari ang ELECTRIC ARC.
Sa taas ng boltahe ng kuryente na dala nila, malaki din ang spark or lightning nito na syang nakita sa video ayon sa mga expert sa electricity dito sa Japan. Hindi daw ito liwanag na dulot ng pagsabog.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|