malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


More than 1,000 lapad na nakita sa basurahan, napunta sa nakakita

Aug. 02, 2023 (Wed), 472 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Aomori Shichinohe Town. Ayon sa news na ito, ang perang nakita sa garbage disposal facility noong nakarang April sa nasabing lugar, ay ibinigay sa nakakita nito, matapos na lumipas ang limit na tatlong buwan at hindi nagpakita ang maaaring may-ari.

Ibinigay ng mga pulis ang cash money na umabot sa 1,099 lapad sa garbage disposal company na syang nakakita ng pera sa facility nila mismo. Ang pera ay lumabas habang winawasak nila ang mga nahakot nilang mga lumang furniture at iba pang malalaking waste materials simula noong April 4 hanggang April 14 this year.

Napansin ng staff nito ang maraming 1 lapad bill na kumalat ng mawasak ang furniture. Inipon nila ito, at ito ay umabot sa 1,099 lapad at agad nila itong ini-report sa mga pulis.

Nakalipas na ang palugit na 3 buwan kung saan maaaring maibalik ang pera sa may-ari nito kung mapapatunayan nya. Subalit walang taong nag-report kung kayat ibinigay ng mga pulis noong July 27, ang pera sa nakakita nito mismo.

Ang nasabing garbage disposal facility ay nakapulot na din ng pera before na umabot sa 400 lapad na galing din sa mga nakolekta nilang lumang furniture. Wala ding nagpakitang possible na may-ari nito kung kayat napunta din sa kanila ang pera.

Ayon naman sa mga kinauukulan, nanawagan sila na check mabuti ang mga furniture na tinatapon dahil madalas na merong mga nakatago o naka-ipit na pera at mahahalagang bagay dito.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.