malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


UPDATE: Coronavirus present status and its impact in Japan

Jun. 22, 2020 (Mon), 709 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Para sa karagdagang kaalaman ng mga kababayan natin dito sa Japan, kung ano-ano ang mga nangyayari related sa coronavirus crisis, mga bagong batas at guidelines na inilabas ng Japan government, this is the summary.

(1) STATISTICS: First, para sa statistics ng mga infected sa coronavirus here in Japan, umabot na ito sa 18,649 katao as of June 21. Umabot na rin sa 968 katao ang naitalang namatay at 16,766 katao naman ang gumaling (As of June 21). Overall, patuloy na bumababa ang bilang ng mga bagong infected, at hindi pa rin ito nawawala lalo na sa part ng Tokyo area.

(2) SCHOOL CLOSURE: Sa pagtanggal ng State of Emergency at mga restrictions, nanunumbalik na ang mga klase dito sa Japan. Inaasahang magiging completely normal na ang mga klase dito sa darating na July ayon sa mga news kasama na ang Tokyo area.

(3) FINANCIAL ASSISTANCE: Ang first wave financial assistance ay halos tapos na ang pagpapadala ng application nito by postal service subalit marami pang mamamayan ang hindi nakakatanggap ng pera. Naaprobahan na rin ang budget para sa second wave, at isa-isa na ring naaaprobahan ang mga sakop na program dito. Matatanggap naman ang pera na sakop sa second wave by August or September ayon din sa mga news.

(4) MASK SUPPLY: Halos na solve na ang kakulangan ng mask dito sa Japan at marami nang available mask na maaaring mabili sa ibat ibang store sa ngayon. Ang problem lamang ay nananatiling mataas pa rin ang presyo nito at hindi pa bumabalik sa normal tulad noong bago kumalat ang coronavirus.

(5) IMMIGRATION TRAVEL BAN/QUARANTINE: Ang travel ban advisory sa more than 110 countries ay nanatiling in-effect pa rin sa ngayon maging ang quarantine procedure nila. Meron mga lumalabas na balita lamang sa ngayon na maaaring lift nila ito sa darating na summer para sa mga business traveler mula sa Vietnam, Thailand, Australia at New Zealand. Para sa mga traveler from Philippines, walang plan ang Japan na nababalita dahil din sa present status ng coronavirus infected sa Pinas.

(6) PUBLIC PLACE/FACILITIES CLOSURE: Ang mga tourist spot, at mga major theme park dito sa Japan ay unti-unti ng nagbubukas at nanunumbalik na rin ang sigla at marami nang mga tourist and travelers ang pumapasok dahil sa pagtanggal din ng restrictions ng Japan government para sa domestic travel.

(7) STATE OF EMERGENCY/LOCKDOWN: Natapos na rin ang State of Emergency dito sa Japan at maging ang mga restrictions at closure na request ng mga prefecture governor ay unti-unti na ring natanggal. Open na halos ang mga business establishment pati na ang mga recreation area.

(8) CORONAVIRUS MEDICATION: As of now, wala pa ring natutuklasang mabisang gamot at vaccine ang Japan government laban sa coronavirus sa ngayon. Ang clinical test ng AVIGAN ay nanatiling isinasagawa at hindi pa rin formal na naaaprobahan ito. Meron mga lumalabas na balita na ang ilang company and university na nagdi-develop ng vaccine ay gumagawa na rin ng clinical test. Ang Japan government naman ay nagbibigay ng full financial support sa mga ito para sa mabilisang pagtuklas ng vaccine at gamot ayon sa mga lumalabas na news.

(9) IMPACT TO FILIPINO COMMUNITY: Patuloy na dumarami ang mga nawawalan ng trabaho na mga Pinoy dito sa Japan lalo na ang mga part time worker. Marami pa ring mga kababayan nating tourist at mga family visit visa holder na stranded sa Japan at hindi makauwi dahil sa walang makuhang flight.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.