Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Chief Priest na Ate, pinatay dahil sa alitan nilang magkapatid Dec. 08, 2017 (Fri), 3,203 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Tokyo Koto-Ku. Ayon sa news na ito, isang babae ang sinaksak at pinatay ng kanyang nakakabatang kapatid na lalaki, age 56 years old gamit ang isang katana dahil sa kanilang alitan kung sino ang magpapatakbo sa isang Japanese shrine na ino-operate nila.
Nangyari ang incident kahapon December 7 ganap ng 8:30PM sa isang kalsada na malapit sa shrine. Ang ate, age 58 years old ay inatake ng kanyang kapatid na lalaki pagkababa nito sa sasakyan gamit ang Japanese sword, na sinaksak nya sa ulo at dibdib ng ate.
Nakita ng driver ng ate ang nangyari kung kayat bumaba ito at mabilis na tumakbo, subalit sya ay hinabol ng kakilalang babae ng salarin na meron ding dalang katana. Hiniwa nya ang braso ng driver ng kanya itong maabutan bandang 100 meters ang layo at nasa malubhang condition ngayon ang driver ayon sa news.
After na mangyari ang ginawa nila sa mga biktima, sinaksak ng kapatid na lalaki ang kanyang kakilalang babae sa dibdib at tyan gamit ang katana na ikinamatay nito, then nag-suicide din ito sa pamamagitan ng pagsaksak nya sa kanyang sarili gamit din ang katana ayon sa news. Ang dalawa ay parehong namatay din.
Ayon sa mga kapitbahay na nakatira malapit sa shrine, matagal ng meron alitan ang magkapatid kung sino ang dapat magmana at maging Chief Priest ng Buddhist Shrine na kanilang ino-operate at di nila akalain na mauuwi ito sa ganito.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|