malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


Pinay, kinuha ang sweldo dahil sa di pagbabayad ng residence tax

Dec. 31, 2019 (Tue), 1,307 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Hiroshima City. Ayon sa news na ito, isang kababayan nating Pinay, age 32 years old, ang kinunan ng sweldo ng city hall kung saan sya nakatira dahil sa di nya pagbabayad ng juuminzei (residence tax).

Ang kababayan natin ay nagsimulang tumira sa Hiroshima City 7 years ago at nagtatrabaho sa mga factory at hindi regular employee. Per hour basis ang kanyang salary at umaabot ng 20 lapad ito kasama na ang overtime at mga night shift work, at walang bonus.

Last spring season, napansin nyang biglang bumaba ang kanyang natatanggap na sweldo kung kayat pinasiyasat nya ito sa isang organization na tumutulong sa kanila. Lumabas sa pagsisiyasat na ang ilang parte ng salary nya ay kinuha pala ng city hall.

Dito nalaman ng kababayan natin na taihen pala ang hindi pagbabayad ng tax dahil sa meron pa syang binayarang multa na umabot sa 5 lapad. Ayon sa kanya, meron mga letter na dumarating mula sa city hall tungkol sa di pagbabayad nya ng residence tax subalit ito ay hindi nya maintindihan dahil nakasulat lamang ng Japanese language.

Hindi sya marunong mag Japanese at halos greetings lamang din ang alam nya. Meron na rin palang pinadala sa kanyang last notice ng pagbawas mula sa kanyang salary subalit hindi nya ito pinansin ayon sa news.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.