Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
UPDATE: Coronavirus present status and its impact in Japan Apr. 13, 2020 (Mon), 836 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Para sa karagdagang kaalaman ng mga kababayan natin dito sa Japan, kung ano-ano ang mga nangyari last week (April 6 to April 12) related sa coronavirus crisis, mga bagong batas at guidelines na inilabas ng Japan government, this is the summary.
(1) STATISTICS: First, para sa statistics ng mga infected sa coronavirus here in Japan, umabot na ito sa 8,150 katao as of April 13 (4PM) ito, at halos nadoble ang bilang last week. Umabot na rin sa 150 katao ang naitalang namatay at 1,353 katao naman ang gumaling (As of April 10). Overall, patuloy na tumataas ang bilang nito at inaasahang dadami pa ngayong linggo. Inaasahang bababa lamang ito 2 weeks after na madeklara ang State of Emergency dito sa Japan.
(2) SCHOOL CLOSURE: Ang mga school particularly sa mga sakop ng State of Emergency ay nagdeclare din ng closure at inaasahang magbubukas muli after Golden Week, subalit maaaring ma-extend na naman ito depende sa magiging status ng coronavirus.
(3) FINANCIAL ASSISTANCE: Kasabay ng State of Emergency declaration, inaprobahan na rin ng government ang pagbibigay ng 30 LAPAD na cash distribution at inaasahang mag-uumpisa ito sa MAY. Marami din ang bumabatikos dito dahil sa hindi clear ang magiging border line kung sino ang dapat lang makatanggap. Isa pa sa naaprobahan ay ang 1 LAPAD na additional na Jidou Teate (Child Care Benefit). At ito ay kanilang ibibigay kasabay ng paglabas ng amount sa June. 1 LAPAD lamang bawat isang bata, at isang beses lamang ito ibibigay. May mga ibang local municipality naman dito sa Japan na nagbibigay ng sarili nilang financial assisantance, so check your local municipality kung ano ang maaaring maibigay nila just in case.
(4) MASK SUPPLY: Nananatiling kulang pa rin sa mask supply sa ngayon here in Japan, subalit maraming mga company at individual person and group na nagnanais na mag-donate ng mask tulad ng SoftBank. Ang dalawa namang mask na ibibigay ng government ay magsisimulang ipamigay next week ayon sa mga news.
(5) IMMIGRATION TRAVEL BAN/QUARANTINE: Walang bagong advisory na nilabas ang immigration, at ang Travel Ban at Quarantine ay nanatiling EFFECTIVE pa rin at wala pa rin silang nilalabas na date kung hanggang kelan ito matatapos. Ang immigration office saan mang branch ay nanatiling bukas sa ngayon, samantalang ang Philippine Embassy Tokyo & Consule General sa Osaka ay nagsara naman at hindi pa alam kung kelan ulit magbubukas muli. Ang Narita at Haneda airport naman ay nanatiling under operation, subalit pinapaliit nila ang kanilang operation sa pamamagitan ng pagsara ng runway at terminal.
(6) PUBLIC PLACE/FACILITIES CLOSURE: Ang mga major toursit spot, and theme park ay nananatiling sarado sa ngayon at ang iba ay planong mag-open matapos ang State of Emergency kung sakaling bumalik na sa normal ang lahat.
(7) STATE OF EMERGENCY/LOCKDOWN: Finally, nag-declare na ng State of Emergency ang Prime Minister ng Japan noong April 7. Ang sakop nito ay pitong prefecture lamang, namely Tokyo, Chiba, Saitama, Kanagawa, Osaka, Hyougo at Fukuoka, at ito ay until MAY 6 lamang. Walang naideklarang LOCKDOWN ng anomang city dito sa Japan at nanatiling operational ang mga public transportation at open naman ang mga government office. Dahil sa request ng bawat governor, nagkaroon ng kunting pagbabago at nabawasan ng kunti ang mga taong lumalabas. Ang pinaka-purpose ng State of Emergency ay mabawasan ng 70 to 80% ang movement ng bawat mamamayan upang hindi lumaganap pa ang virus. Inaasahang lalabas ang result nito after two weeks o bago matapos ang monht ng APRIL.
(8) CORONAVIRUS MEDICATION: As of now, wala pa ring natutuklasang mabisang gamot at vaccine ang Japan government laban sa coronavirus. Ang clinical test naman sa AVIGAN ay ginagawa na rin sa ibang bansa kahit na sa America. Nais na mag-produce pa ng marami nito ang Japan government ayon din sa mga lumabas na news.
(9) CORONAVIRUS IMPACT: Dahil sa patuloy na pagdami ng mga infected sa coronavirus, almost full capacity na ang mga hospital bed sa ngayon at sinimulan na rin nilang ilipat sa mga hotel ang mga pasyenteng nasa light condition lamang. Ang mga nawalan naman ng matitirahan lalo na sa mga nakatira sa net cafe ay binigyan ng pansamantalang matitirahan dahil sa pagsara ng mga facility na nabanggit. Nagtayo naman ng hotline ang mga kinauukulan para matawagan ng mga foreigner na naninirahan dito sa Japan kung nais nilang mag-consult tungkol sa coronavirus.
(10) IMPACT TO FILIPINO COMMUNITY: Base sa mga natanggap naming mga inquiry dito sa Malago, marami sa ating mga kababayan na tourist at family visit visa ang stranded sa ngayon dito sa Japan at hindi makauwi. Marami na rin sa ating mga kababayan ang wala na ring work dahil sa pagtanggal sa kanila ng kanilang employer. May mga kababayan na rin tayong kapos na sa financial at nanghihingi ng advise kung saan at sino ang pwedeng makatulong sa kanila to survive during this crisis here in Japan.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|