Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Biktima ng mga panloloko sa net-shopping, dumarami Nov. 20, 2018 (Tue), 1,874 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ayon sa news na ito, dumarami sa ngayon ang bilang ng mga naloloko sa internet shopping ayon sa data na nilabas ng Japan Consumer Affairs Agency noong November 17. Simula ng inumpisahan nilang itala ang data nito, taon taon ay tumataas ang bilang, at ngayong year 2018, patuloy din ang pagtaas nito.
Ang mga injuries and trouble na nai-report na pinakamarami ay mula sa mga cosmetics products. Karamihan sa mga biktima ay nagkaroon ng rashes at pamamaga sa balat after nilang gamitin ang product na kanilang binili sa net.
Kadalasan sa mga nabibiktima ay inaangal nilang hindi nila mabawi ang perang binayad nila dahil walang contact info ng mga nag-deliver ng products sa kanila kung kayat pinag-iingat ng nasabing ahensya ang mga mamamayan sa paggamit ng net shopping.
By products, ang pinakamaraming claim ay ang mga health related items na umaabot sa more than 40%, then sinundan ito ng cosmetics products na umabot sa 24%, then foods at furniture items ang mga sumunod.
Tungkol naman sa mga injuries or trouble na natamo nila sa paggamit ng nabiling products sa internet, meron silang naitalang dalawang taong namatay, then 160 cases naman ang kinailangan ng gamutan sa hospital. Ang dalawang namatay ay related sa health products na kanilang na-consume na nabili sa internet.
Pinag-iingat ng agency ang mga mamayan sa pagbili ng mga products sa internet at tiyakin na meron condition sa pagbalik ng mga items ang isang website store at meron itong contact information bago magbayad sa kanila.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|