Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Anak ng Pinay na disable, iniwan ng parents at namatay ng walang citizenship Oct. 29, 2015 (Thu), 2,315 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Sa mother ng batang ito na iniwan mo, kung kayo po ay narito sa Japan at kung sakaling mababasa nyo po ito at makilala mo sya, I would like to inform you na namatay na ang batang iniwan ninyo.
This is an article na nakasulat sa Asahi Shimbun about sa isang batang meron malalang kapansanan na iniwan ng kanyang Pinay na mother noong sya ay bata pa. I will try to translate the contents of it para mabasa ninyo.
Ang pangalan ng batang ito ay si エンリケス・マルビン (Enrequiz Marvin), 18 years old now. Ayon sa Nagoya city hall, sya ay pinaganank noong January 1997 at ang nanay nya ay isang overstayer at that time na Pinay. Month of May of the same year, iniwan sya ng kanyang mother at biglang naglaho na parang bula. Wala ring record kung sino ang tatay ng batang ito at hindi naayos ang kanyang citizenship.
Kinuha sya at inaruga sa isang nursery, at sa isang facility na nag-aalaga sa isang meron kapansanan na katulad nya na nasa Nagoya-shi Nishi-ku. Dito sya nakatira until March of this year 2015. Then last April, lumabas sya sa facility para mamuhay ng mag-isa sa support pa rin ng mga tumutulong sa kanya. Subalit last September 18, ng sya ay lumabas ng bahay kasama ng kanyang mga kaibigang dumalaw sa kanya para kumain sa labas. sya ay natumba at nahulog sa sinasakyan nyang wheelchair pag labas ng store at tumama ang ulo nya na syang ikinamatay nito.
Ang kapansanan ng batang ito ay kakaibang sakit kung saan hindi normal ang growth ng kanyang mga buto sa katawan. Ang height nya ay 1 meter lamang at ang bigat ay nasa 20 kilos lamang din. Hindi kayang ma-absorb ng katawan nito ang anomang shock or impact na tatama sa kanya. Nababali ang buto nito everytime na sya ay mag-sneeze, and when he try to wave his hand to say goodbye, nababali rin ang buto nito.
Dahil sa sakit nyang ito, limited lang din ang kanyang nagagalawan. Mula sa kanyang tinitirahan at sa special school na kanyang pinapasukan hanggang sa malapit na convenience store na 100 meters lang ang layo. Every summer vacation, ang kanyan mga kaibigan na meron din kapansanan ay nag-uuwian at sya lamang ang naiiwan dahil wala rin syang lugar na mauuwian. Lagi rin syang nag-iisa at that time.
Nagkaroon lang ng pagbabago sa kanya mula noong sya ay maging isang Junior high school student na kung saan nag-umpisa syang mag-internet at mag-chat ayon sa article na ito. Nagkaroon sya ng interest sa society na ginagalawan nya. Pagpasok nya ng high school, ninais nyang maging malayang mamuhay at ito ay isinulat nya sa isang essay writing contest sa Aichi Prefecture kung saan sya ang nanalo at nabigyan ng governors award na ikinamangha at ikinagulat ng mga taong nakakakilala sa kanya.
Then March of this year, lumabas na sya ng facility para subukang maging malaya, makagalaw at makapunta sa ibat ibang lugar, at mamuhay ng mag-isa. Subalit nangyari ang accident na ito na masakit para sa mga taong kumupkop sa kanya mula sa kanyang pagkabata.
May you rest in peace and find the peace that you are dreaming of in heaven.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|