malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


UPDATE: Coronavirus present status and its impact in Japan

May. 04, 2020 (Mon), 927 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Para sa karagdagang kaalaman ng mga kababayan natin dito sa Japan, kung ano-ano ang mga nangyari last 2 weeks (April 20 to May 3) related sa coronavirus crisis, mga bagong batas at guidelines na inilabas ng Japan government, this is the summary.

(1) STATISTICS: First, para sa statistics ng mga infected sa coronavirus here in Japan, umabot na ito sa 15,791 katao as of May 4(10AM). Umabot na rin sa 549 katao ang naitalang namatay at 4,632 katao naman ang gumaling (As of May 1). Overall, patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga infected sa coronavirus dito sa Japan kahit na matatapos na ang State of Emergency sa May 6.

(2) SCHOOL CLOSURE: Ang mga school karamihan ay nananatiling sarado sa ngayon at maaaring manataling sarado ito kung ma-extend ang State of Emergency. Meron ding mga naglalabasang news sa ngayon na pinag-aaralan ng Japan government ang possible na pag-start ng klase by September at isusunod nila ito sa world standard.

(3) FINANCIAL ASSISTANCE: Ang supplementary budget kung saan napapaloob ang fund para sa 10 LAPAD na financial assistance ay naaprobahan na noong APRIL 30, at ang mga local municipality ay naghahanda na sa ngayon upang maumpisahan ang acceptance ng application. Meron mga lugar na tapos ng magbigay ng nasabing amount lalo na don sa mga province na mababa lang ang population ng lugar. Sa mga big city naman, inaasahan na by June pa maaaring pumasok ang pera sa mga mamamayan.

(4) MASK SUPPLY: Nananatiling kulang pa rin sa mask supply sa ngayon here in Japan. Ang plano ng government na mamigay ng dalawang pirasong mask ay di pa rin natatapos, matapos na recall nila ang mga mask na dapat ay ibibigay nila dahil sa nakitang mga defective dito. Kung kelan pa ito matatapos ay walang lumalabas na exact date.

(5) IMMIGRATION TRAVEL BAN/QUARANTINE: Ang travel ban advisory ay nanatiling in-effect pa rin sa ngayon at wala pa silang nilalabas na specific date kung kelan ito matatapos. Ang bagong lumalabas na news sa ngayon na ginagawa ng immigration ay ang pagbibigay ng pansamantalang probation sa mga overstayer na nakakulong sa mga detention center, upang mabawasan ang pangambang magkaroon ng cluster ng coronavirus sa loob nito.

(6) PUBLIC PLACE/FACILITIES CLOSURE: Ang mga major tourist spot, and theme park dito sa Japan ay nananatiling sarado sa ngayon at ang iba ay planong mag-open matapos ang State of Emergency kung sakaling bumalik na sa normal ang lahat.

(7) STATE OF EMERGENCY/LOCKDOWN: Matatapos na sa May 6 ang State of Emergecy na declared last month subalit malaki ang possibility na ma-extend ito until end of MAY at maaaring ilabas ng government ang final decision nila today May 4. Overall, di naging effective ang ginawang State of Emergency upang lubusang mapuksa ang coronavirus, subalit nakakakita sila ng pag-asa dahil bumababa ang record nito ayon sa mga expert.

(8) CORONAVIRUS MEDICATION: As of now, wala pa ring natutuklasang mabisang gamot at vaccine ang Japan government laban sa coronavirus. Ang clinical test naman sa AVIGAN ay on-going pa rin sa ngayon. Ang isa pang gamot na Remdesivir ay maaaring maunang maaprobahan ng Japan government kesa sa Avigan dahil ito ay ginagamit at inaprobahan na rin ng ibang bansa.

(9) IMPACT TO FILIPINO COMMUNITY: Patuloy na dumarami ang mga private message na natatanggap namin dito sa Malago mula sa mga kababayan nating nagtatanong about financial support dahil sa nawalan o tinanggal sila ng work. Marami pa ring kababayan natin na tourist at family visit visa ang na-stranded dito sa Japan dahil sa walang makuhang flight pauwi ng Pinas.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.