Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Narita, to expand room facility for traveller with A to A orders Apr. 24, 2019 (Wed), 1,008 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ayon sa news na ito, papalakihin ng Narita Airport ang kanilang room facility na syang tinutuluyan ng mga travellers na pumapasok ng Japan na nabibigyan ng A to A (Airport to Airport) order matapos na maharang nila ito sa airport immigration at hindi makapasok ng Japan.
Lumabas sa data ng Japan Ministry of Justice na ang bilang ng mga na A to A sa buong port ng Japan last year 2018 ay umabot na ng 9,179 katao compare lamang sa 2,487 katao noong year 2012. At ang halos kalahati ng bilang nito ay galing sa Narita Airport.
Ang main reason sa pagtaas ng bilang nito ay ang pagdali ng pagkuha ng visa sa ngayon para makapasok ng Japan. Marami ang nagkukunyaring travel and family visit ang purpose subalit hindi pala.
Once na nabisto ito ng mga immigration personnel sa airport, hindi nila ito binibigyan ng landing permit at naho-hold at pinatutuloy sa room facility kung saan sila maghihintay ng kanilang byahe pauwi sa bansang pinanggalingan nila.
Sa ngayon, ang Narita Airport ay meron room facility na para sa babae at lalaki. Meron din sa Sendai, Haneda, Chubu, Kansai at Fukuoka International Airport.
Balak nilang mag-add ng more than 50 beds pa sa Narita Airport bilang karagdagan sa limit nito sa ngayon. Meron namang mga taong na A to A na ayaw umuwi at nag-stay sa facility ng ilang araw. Sa mga ganitong cases, isasagawa nila daw ang deportation order upang mabilis na mabakante ang facility ayon din sa news.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|