malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


Sa mga kababayan nating pauwi at palabas ng Pinas

Mar. 15, 2020 (Sun), 955 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


As you already knew, starting today March 15, nagsimula na ang Community Quarantine sa Manila at ito ay magtatagal daw hanggang April 14, for 1 month period.

I tried to monitor the official website ng Philippine Immigration, Japanese Embassy, Philippine Embassy Tokyo/Osaka at DFA para sa advisory or any notice na maaari nilang ilabas para sa ating mga Pinoy na maaaring umuwi sa Pinas during this period related sa nilabas na statement ng ating President, but I got nothing as of now.

Dapat kasi simula nang naglabas ng pahayag ang ating President, meron na rin silang inilabas na official na pahayag para di dumami ang mga sabi-sabi sa SNS, na nauwi sa pagkalat ng mga fake news din.

As of now, base sa pahayag ng ating President, makakauwi kayo bastat Philippine passport holder kayo, at pwede nyo rin makasama ang inyong asawa at mga anak kahit na hindi sila Pinoy. Ang bawal lamang ay mga foreigner na mula sa bansang meron coronavirus na kumakalat. So pag mga pure Japanese talaga at walang family sa Pinas, maaaring di sila papasukin sa airport pa lamang.

Kung ang inyong asawa o anak na Japanese ay uuwi sa Pinas na hindi kayo kasabay, maaari siguro magdala sila ng proof na maipapakita nila sa airport immigration na meron silang family sa Pinas, tulad ng copy ng passport nyo, BC at MC documents from NSO/PSA.

Now, this is the problem na madalas din naming matanggap na tanong. Makakalabas at pasok ba ng Manila? Since hindi naman Martial Law ang pinapairal now at Community Quarantine lamang, meron pa rin tayong freedom na gumalaw o magtravel with some restrictions po. Kaya marami pa ring mga vehicles ang pinapadaan sa mga checkpoint after na magpakita sila ng proof or documents na nagpapatunay na kailangan nilang magbyahe.

Tulad ng mga natatanggap namin info here, kung kayo ay uuwi sa Pinas, pwede rin kayo masundo at makauwi sa inyong lugar outside Manila. Need lamang na maipakita nyo ang inyong ticket, passport or visa bilang proof na kayo ay galing ng ibang bansa at need nyong umuwi. Para din daw makapasok sa Manila yong susundo sa inyo, need na meron syang maipakitang proof. So better na ipadala nyo sa kanya ang copy ng passport, ticket/visa nyo na syang maipapakita nya sa checkpoint area para padaaanin sya. Be reminded lang din po na better na yong driver lang ang susundo sa inyo at wag na magsama ng ibang tao dahil nga meron restrictions po. (Note: To be sure about this, confirm nyo po sa mga local municipality nyo sa Pinas kung ano ang restrictions nila sa pag-travel.)

Sa mga paalis din ng Pinas at dadaan sa Manila, ganun din. Need nyo lamang ipakita ang proof of your travel sa mga checkpoint para makadaan at pasok kayo ng Manila. And of course, wag nyo na isama ang ibang tao o family nyo para ihatid kayo sa airport, yong driver nyo lamang po as possible. (Note: To be sure about this, confirm nyo po sa mga local municipality nyo sa Pinas kung ano ang restrictions nila sa pag-travel.)

Since ang mga domestic flight lamang ang suspendido sa ngayon, at ang mga international airport ay open pa rin at continue ang operation nila, its a common thing lamang din na tuloy pa rin ang pagpasok ng mga tao mula sa ibat-ibang bansa, at pag-labas din naman mula sa Manila.

For quarantine issue, dahil sa walang nilalabas din ang Philippine Immigration at DFA about this para sa mga travelers from Japan, better to confirm also sa mga local municipality ninyo kung meron silang nilalabas na ordinance about it.

Sa mga flights nyo naman, kung cancel or not, you can confirm it sa iyong airliner or plane ticket agent kung ano ang magiging status para di kayo magkaroon ng problem bago dumating ang araw ng flight ninyo.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.