Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Entry Requirements to Singapore para sa mga Pinoy (As of September 2023) Sep. 11, 2023 (Mon), 387 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Kung may plano kayong mag-travel sa Singapore, ito po ang ilan sa mahahalagang bagay na dapat nyong malaman sa ngayon upang maging smooth ang inyong pagpasok sa bansang ito lalo na kung sight-seeing ang purpose ninyo.
(1) NO VISA ENTRY ang mga Pinoy
Ang mga Filipino ay makakapasok po sa Singapore ng hindi na kailangan pang mag-apply ng visa kung ang purpose ninyo ay mag-tour. Allowed po tayong makapag-stay sa bansang ito within 30 DAYS po lamang. Pwede din kayong makapag-apply ng extension kung gusto nyo pang extend ang travel ninyo sa bansang ito.
(2) NO NEED for Vaccination Certificate
Ang pag-travel sa Singapore ay hindi na din kailangan pa ang anomang patunay ng vaccination status ng traveler against COVID-19 dahil ang requirements na ito ay tinanggal na nila noong February 2023. So back to normal na po ang lahat. Vaccinated man kayo o hindi, makakapasok po kayo ng Singapore.
(3) SG Arrival Card is NEEDED
Ang need nyo lamang para makapasok ng Singapore ay plane ticket at ang SG ARRIVAL CARD. Ang card na ito ay dapat nyong ma-register sa system nila 3 DAYS prior sa travel ninyo sa Singapore. FREE OF CHARGE po ito at wala kayong dapat bayaran. Para sa mabilis na registration, pwede ninyo download ang appli nila tungkol dito na tinatawag nilang "MyICA". Downloadable sa iPhone or Android phone.
Kung by computer kayo magpapa-register ng inyong SG Arrival Card, ito po ang official website nila (https://eservices.ica.gov.sg/sgarrivalcard/ ). Mag-ingat po sa mga fake website na maaaring singilin kayo dahil libre nga po ito.
SUMMARY
In general, kung mag-tour po kayo sa Singapore, ang need nyo po lamang ay plane ticket na round trip, hotel reservation or place kung saan kayo mag-stay, at ang SG Arrival Card. Ang tatlong ito lamang ang main things na dapat nyong prepare para malayang makapasok sa Singapore.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|