Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Nawalang amount sa paggamit ng credit card, umabot sa 43.6 Billion Yen Apr. 10, 2023 (Mon), 322 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ayon sa news na ito, umabot sa more than 43.6 Billion Yen ang halagang nawala o nabiktima mula sa mga credit card users dito sa Japan last year 2022 lamang, dahil sa ibat ibang illegal na gawain sa ngayon online.
Ito ay base sa inilabas na data ng Japan Credit Association, at ang amount na ito sa ngayon ang pinakamalaking naitala nila.
Ang pagdami ng mga nabibiktima at paglaki ng halagang nawawala mula sa mga credit card owners ay inaasahang lalaki pa daw sa mga darating na taon dahil sa very high tech na din ang mga gumagawa ng skimming at illegal activity na related sa credit card.
As of now, ginamit na din daw nila ang AI (Artificial Intellegence) upang hindi mahalatang unti-unting nawawala at nakukunan ng amount ang mga credit card owners. Marami daw sa ngayon ang gumagawa ng pagdagdag ng amount na nasa 100 YEN to 1,000 YEN lamang sa bawat presyo ng mga nabibili online.
Ito daw sa ngayon ang nauuso dahil sa hindi ito nahahalata ng mga credit card users dahil di na din nila nasisiyasat ang actual amount na nabili nila kung ito ay pareho sa amount na nasa credit card payment nila.
Nanawagan sila sa mga credit card owners na wag basta basta mag-register ng kanilang credit card info online, at wag din gamitin ang credit card kung hindi naman gaano kalakihan ang binibili tulad ng mga nabibiling item sa convini. Nasa bawat isa ang pag-iingat upang hindi maging biktima.
Check din daw mabuti kung ang actual price ng nabili online ay pareho sa billing ng credit card ninyo para malaman nyo kung nanakawan kayo ng amount ng pakunti-kunti lamang.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|