Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Coronavirus test, cover na ng kenkou hoken starting today March 6 Mar. 06, 2020 (Fri), 1,148 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ayon sa news na ito, magiging sakop na ng kenkou hoken (health insurance) dito sa Japan ang medical check upang malaman kung positive kayo sa nasabing virus, starting today March 6. Ito ay base sa inilabas na pahayag ng Japan Ministry of Health.
Ang PCR (Polymerase Chain Reaction) Test na ginagamit ay nagkakahalaga ng 18,000 YEN plus consultation charge of 1,500, so aabot ng 19,500 YEN ang maaari nyong bayaran upang makapag pa-check kayo sa nasabing virus kung wala kayong insurance. Kung meron naman, 30% lamang ang babayaran ninyo, at ito ay aabot lang ng 5,850 YEN. Pero dahil under sa government compensation ito, wala kayong babayaran o dapat na ma-shoulder na expenses.
Sa ngayon, limited lamang ang mga hospital na nagsasagawa ng test na ito kaya iwasang pumunta sa mga hospital directly at tumawag muna for consultation and reservation. Gumagawa ngayon ng paraan ng Japanese government upang maisagawa ang test na ito kahit sa mga maliliit at mga private clinic ayon din sa news.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|