Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
What will happen to your visa if you can't go back to Japan? Mar. 13, 2020 (Fri), 1,384 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Sa mga nagtatanong po kung ano ang mangyayari sa kanilang visa kung hindi agad makakabalik dito sa Japan, automatic na magiging invalid yan kung di kayo nakabalik agad ng Japan para mag-apply ng extensioon bago umabot ang expiration date nito.
Sa mga aabot din ng more than 1 year na at walang dalang RE-ENTRY PERMIT, kahit na meron pa kayong valid visa at kahit na PERMANENT VISA holder pa kayo, maaaring maging invalid na po ang inyong visa din, kung hindi kayo agad makakabalik dito sa Japan. Kinakailangan nyo ng RE-ENTRY PERMIT kung aabot kayo ng more than 1 year bago bumalik sa Japan, at ito ay dapat na na-apply nyo here in Japan Immigration Office bago kayo umuwi. Ang Japanese Embassy sa Pinas ay hindi po nag-iissue ng RE-ENTRY PERMIT.
Sa mga meron naman RE-ENTRY PERMIT na hawak, at hindi pa makakabalik agad dito sa Japan dahil sa coronavirus issue, lucky for you dahil maaaring makapag apply kayo ng EXTENSION ng inyo RE-ENTRY PERMIT sa Japanese Embassy sa Pinas. Ito po ang link ng application form (https://www.ph.emb-japan.go.jp/files/000163106.pdf). Para sa requirements, confirm nyo lamang sa Japanese Embassy or sa mga accredited agencies nila.
As of now, walang nilalabas na notice or advisory ang Japanese Embassy sa Pinas or ang Immigration Agency dito sa Japan tungkol sa treatment ng mga visa holder outside Japan, kung meron ba silang ibibigay na consideration dito dahil sa epekto ng coronavirus.
Maaari kayong mag-inquire directly sa Japanese Embassy sa Pinas upang makatiyak kayo kung ano ang mangyayari sa visa ninyo kung sakaling hindi kayo makabalik bago ang expiration period nito. Ito po sa baba ang contact info nila.
E-mail Address: ryoji@ma.mofa.go.jp
Telephone Numbers
Manila: (02) 834-7514
Cebu office: (032) 231-7321/231-7322
Davao office: (082) 221-3100/3200
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|