Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
UPDATE: Coronavirus present status and its impact in Japan Mar. 09, 2020 (Mon), 1,002 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Para sa karagdagang kaalaman ng mga kababayan natin dito sa Japan, kung ano-ano ang mga nangyari last week (March 1 to 8) related sa coronavirus, mga bagong batas at guidelines na inilabas ng Japan government, this is the summary.
(1) STATISTICS: First, para sa statistics ng mga infected sa coronavirus here in Japan, umabot na ito sa 1,195 katao as of March 9 (1PM). Umabot na sa 485 katao ang infected sa land area ng Japan, the rest ay mula sa Diamond Princess cruise ship at charter plane mula sa China. 14 katao na rin ang naitalang namatay, 311 katao naman ang gumaling na at nakalabas ng hospital as of March 6.
(2) DIAMOND PRINCESS: Ang lahat ng mga nakasakay sa Diamond Princess cruise ship kung saan marami ang naging biktima ng coronavirus, pasahero at crew nito ay naibaba na lahat last week. Ang mga infected ay nadala sa mga pagamutan at ang hindi naman ay umuwi sa kanilang mga bahay. Subalit may mga case sa ngayon na naaglalabasan na nagiging positive ang ilan sa kanila, matapos na makababa sila sa barko.
(3) SCHOOL CLOSURE: Inumpisahan na rin noong March 2 ang pagsara ng mga school, elementary to senior high school dito sa Japan, at umabot sa more than 98% ang nakipag-cooperate sa panawagan ng Prime Minister. Ito ay magtatagal hanggang end of March or haru yasumi nila.
(5) FINANCIAL ASSISTANCE: Bilang support ng government sa mga parents na kinakailangang mag-rest dahil sa pagsara ng mga school upang alagaan ang kanilang mga anak na nasa elementary level lamang, isinabatas ng Japan government ang pagbigay ng financial assistance sa mga ito na aabot sa 8,300 YEN per day. Isinasagawa nila sa ngayon ang guidelines para sa implementation nito.
(6) HEALH INSURANCE: Isinabatas na rin simula March 6 ng Japan government na isakop sa kenkou hoken (health insurance), ang magiging expenses na lalabas sa pag-conduct ng medical check para sa coronavirus. So kung gusto nyo magpa-checkup sa nasabing virus, wala kayong babayaran dahil sa ang natitirang 30% ay sagot na rin ng government.
(7) MASK SUPPLY: About naman sa mask and toilet supply dito sa Japan, nanatiling kulang pa rin ang supply ng mask subalit naglabas ng pahayag ang government na 24 hours ang manufacturing nito dito sa Japan upang mapunan ang lumalaking demand. Isinabatas na rin nila ang pagbabawal sa pagbenta nito online at meron angkop na penalty sa mga lalabag dito. Sa toilet tissue supply naman, meron sapat na stock nito at wala daw dapat ipangamba.
(8) TRAVEL RESTRICTIONS: About naman sa travel ban and quarantine issue, isinabatas ng Japan ang pagkakaroon ng 2 weeks quarantine period sa lahat ng papasok dito sa Japan (Japanese citizen included), mula sa China at South Korea at ito ay nag-umpisa na today March 9. Dumarami rin sa ngayon ang mga bansang pinagbabawal ang travelers mula sa Japan.
(9) TRAVEL BAN/QUARANTINE: As of this time, walang inilalabas na Travel Ban or Quarantine Advisory ang Philippines for Japan travelers, at maging ang Japan for Filipino travelers. So, pwede kayong pumasok at lumabas sa dalawang bansa ng walang pagbabago. Sa mga nagtatanong kung kelan o maaaring bang magkaroon, hindi rin po namin alam. Maaring gawin nyo lamang sigurong basehan ang status ng coronavirus sa South Korea sa ngayon. Kung ang coronavirus status sa Japan at Pinas ay maging katulad ng South Korea, then maaring magkaroon ng travel ban at quarantine tulad ng ginawa na sa ngayon ng nasabing dalawang bansa.
(10) CLUSTER INFECTION: Ayon sa mga news, tumataas sa ngayon ang bilang ng mga infected sa coronavirus dito sa Japan dahil sa nangyayaring mga cluster infection. Tulad sa Aichi prefecture, tumaas ang bilang nito dahil sa meron nangyaring group infection sa loob ng roujin homes. Sa Osaka also, meron ding nangyaring cluster infection sa isang live house. Meron ding nababalita na nangyayari sa loob ng training gym, hospital at ilang facility share by public. Isa rin daw ito sa reason kung bakit biglang naglabas ng pahayag ang Prime Minister na isara ang mga school agad, upang maiwasan ang ganitong group infection sa mga bata.
As of now, ito lamang ang nakita naming nangyari at mga pagbabago last week dito sa Japan na dapat ninyong malaman at sana ay nakatulong upang ma-inform po kayo. Kung meron kayong gustong idagdag, kindly post it in comment section.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|