malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


Pinay trainee, asking for 620 lapad laban sa employer nya

Oct. 16, 2022 (Sun), 518 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


This is a follow up news tungkol sa isang kababayan nating Pinay trainee na nabalita noon na nag-file ng legal charge laban sa kanyang employer matapos syang makubi dahil sa pagbubuntis nya while being a trainee dito sa Japan.
Ang kababayan nating Pinay trainee, age 26 years old ay nag-file ng legal charge sa tulong ng legal representative lawyer nya sa Fukuoka District Court Yukuhashi Branch noong nakarang October 12.
Nilalaman ng case nila ang pag-demand ng 620 lapad (kasama ang unpaid salary) bilang kabayaran sa sinapit nya mula sa kanyang employer at pati na din ang organization sa Oita prefecture handling their dispatchment.
Ayon sa written complaint na pinasa nila, ang kababayan nating Pinay ay nakapasok dito sa Japan noong September 2019 bilang isang careworker trainee. The next month, sya ay nag-umpisang magtrabaho sya sa isang special nursing home para sa mga matatanda sa Fukuoka prefecture. Ang main job nya ay ang pagtulong sa pagpapaligo, pagbibihis at pagpapakain sa mga matatanda.
Noong April 2021, nalaman ng kababayan natin na buntis sya, at noong sumunod na buwan, sya ay nakipag-usap sa organization na humahawak sa kanila asking for maternity leave. Nais nyang umuwi sa Pinas para doon manganak at bumalik muli dito sa Japan para tapusin ang work.
Subalit after na malaman ito ng director ng organization, pinilit syang pinapirma sa isang Agreement, at dahil sa inalis sya ng employer sa work nya, napilitan daw syang mag-resign noong katapusan ng August 2021.
Sinabi at na-explain din daw ng mga director ng organization sa kanya na need nyang magbayad bilang kabayaran sa paglabag nya sa contract at need nyang umuwi sa Pinas. Sinabihan din daw nila ang partner ng Pinay na nakabuntis sa kanya na isa ding trainee working sa ibang section, na i-request sa Pinay na ipa-abort ang baby.
Sinabi din daw sa kanya na meron ngang Maternity Leave, pero dahil sa ginawa nya, maapektuhan at bababa ang evaluation ng ibang Pinoy worker dito sa Japan.
After na makauwi ang kababayan natin sa Pinas at manganak ito, nanatili syang namumuhay doon. Ilang beses daw syang nag-request ng maternity leave sa work place nya subalit wala daw sinomang nakinig sa kanya. Nais nyang ipaalam sa publiko ang nangyayari sa working place ng mga trainee sa Japan kung kayat napagpasyahan nyang gawin ang kasong ito.
Ayon sa representative lawyer ng kababayan natin, meron na ding same case na nangyari noong year 2013 kung saan isang Chinese trainee naman sa Toyama City ang nakaranas ng same treatment. Nag-file din ito ng legal charge laban sa employer at organization nya at sila ay nanalo sa Toyama Disrict Court at pinagbayad ang mga ito.
Ipinaliwanag din ng lawyer nya na malinaw na nakasulat sa guidelines ng Japan Immigration Service Agency na pinagbabawal ang ganitong treatment sa mga trainee. Hindi sila pwede tanggalin sa work at dapat suporthan daw kapag nalaman na sila ay buntis.
Wala namang inilabas na comment ang employer ng kababayan natin at pati na din ang organization na humahawak sa kanila tungkol sa kasong ito.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.