Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
My Number System to start January 2016 Sep. 28, 2015 (Mon), 8,423 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Paalala: Pakibasa muna ng buo ang information na ito bago magtanong or mag-send ng message sa amin tungkol dito.
I think karamihan sa atin here in Japan ay alam na ang information tungkol sa bagong system na ito na mag-uumpisa mula January 2016 dahil lagi na rin nababalita sa mga news at tv. Sa mga hindi pa nakakaintindi po tungkol dito, this info is for you.
This is the "Social Security and Tax Number System" commonly known as MY NUMBER system, or mas madali sigurong maintindihan kung iisipin ninyong NATIONAL ID ito. Ang system na ito ay ang pagbibigay ng individual and distinct or unique number sa bawat isang mamamayan na nakatira dito sa Japan. Ang number na ito ay binubuo ng 12 DIGIT numbers na sya mong gagamitin at hindi pwedeng baguhin kapag itoy naibigay na sa iyo.
Ang purpose ng government sa pagbibigay or pag-implement ng system na ito ay para pabilisin ang kanilang serbisyo sa (1) social security, kasama na rin ang pag-control sa mga benefits na binibigay nila, sa (2) taxization system tulad ng income tax and residence tax, at (2) ang kanilang pagbibigay tulong sa mga nabiktima ng mga calamity or yong tinatawag na disaster response nila. Sa ngayon ito ang kanilang tina-target na mabago at gustong pag-gamitan ng mga number na ibibigay sa bawat tao here in Japan. Subalit marami na rin ang lumalabas na news na ito ay gagamitin rin nila sa mga bank account at pati na rin sa immigration control.
Ang magiging TIMELINE naman ng implementation nito ay first, magpapadala sila ng NOTIFICATION CARD simula October 2015. Probably on October 5 (Monday) nila ipapadala ito sa inyong address na naka-register sa inyong JUMINHYOU (Residence Certificate). Ang notice na ito ay naglalaman ng inyong MY NUMBER kung kayat wag na wag ninyo itong iwawala. Ito na ang magiging number ninyo na dapat ninyong itago. Kasama din dito ay ang application form para sa application ninyo ng MY NUMBER CARD. This is an optional. Nasa sa inyo kung gusto nyong mag-apply ng card na ito or hindi. Ang important here is yong 12 DIGIT ninyong number na ibinigay sa inyo. Subalit ang CARD din na ito ay maaari ninyong magamit bilang identification card dito sa Japan kaya recommended na mag-apply po kayo.
Ang KOJIN BANGOU KA-DO (MY NUMBER CARD) ay naglalaman ng inyong NUMBER. Meron picture ninyo at meron IC card na nakalagay din dito. They will issue this starting January 2016 which is next year. Nakalagay din ang inyong name, address, gender at birthdate. Magagamit ninyo ang card na ito sa pag-apply ninyo ng mga tax certificate at iba pang application sa inyong municipality dito sa Japan.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|