Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
90 Pinoy applicant ng 100 lapad financial support, sabit sa sagi charge Nov. 10, 2022 (Thu), 533 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Sa mga kababayan nating nag apply ng 100 lapad na financial assistance for COVID para sa mga freelancer, be aware sa news na ito lalo na kung alam nyong nag-apply kayo ng di nyo alam kung eligible ba kayo o hindi.
Ayon sa news na ito, hinuli ng mga pulis ang isang lalaki, age 64 years old, real state company director, matapos mapatunayang member ito ng sagi group sa pag apply ng 200 lapad na financial assistance para sa mga company at 100 lapad na para naman sa mga freelancer.
Ang role ng lalaking ito ay syang tagahikayat ng mga taong nagnanais na makakuha ng nasabing financial assistance last last year. Isa sa mga nahikayat nya ay ay mga Pinoy na nagtatrabaho sa mga Philippine pub sa Ikebukuro kung saan suking customer sya, at ito ay umabot sa mahigit 90 na mga kababayan natin ang nai-apply nila.
Lumabas sa investigation din ng mga pulis na umabot sa more than 1,780 fake application ang ginawa ng sagi group na ito, at more than 1 BILLION YEN ang nakuha nila.
Patuloy pa din ang isinasagawang investigation ng mga pulis upang maibalik ang pera at maparusahan ang mga nag-apply ng peke.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|