Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Pinoy, sinagip ang nalulunod na bata at umalis na di nagpakilala Jun. 18, 2024 (Tue), 358 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Fukuoka City. Ayon sa news na ito, isang kababayan nating Pinoy, age 26 years old, trainee, ang naging hero matapos na tumalon agad ito sa dagat upang sagipin ang nahulog na bata. Nangyari ang incident noong June 16 ganap ng 5PM sa Hakozaki Futou na sikat na fishing area sa nasabing lugar.
Ayon sa investigation ng Fukuoka Coast Guard, ang bata, age 6 years old, ay pumunta sa fishing area kasama ang kanyang parents at dalawa pang kapatid. Ito ay nawalay ng kunti sa kanila at nadulas at nahulog sa dagat na meron 2 meters ang taas mula sa pier.
Nakita ito ng kababayan nating Pinoy at agad-agad na tumalon sa dagat upang sagipin ang bata na walang suot na life jacket. Sa tulong ng ibang namimingwit, nai-akyat sila mula sa dagat at parehong ligtas at walang injury. Ang bata ay dinala pa sa hospital sa pag-alalang bumaba ang body temperature nito.
Ang personal identity ng kababayan natin ay nalaman ng tanungin sya ng Fukuoka Coast Guard personnel.
Sinubukang kilalanin sya at kunin ang contact address nya ng parents ng bata para magpasalamat sa ginawa nyang pag-sagip subalit hindi nya ito binigay at sinabi lang na 名乗るほどの者ではない (NA NORU HODO NO MONO DE WA NAI) "Not Worth Mentioning", at saka umalis na sya.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|