Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Pinoy na hinuli sa pagpatay sa matandang Japanese, formal ng kinasuhan Jun. 17, 2022 (Fri), 638 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Update news po tungkol sa kababayan natin na hinuli sa pagpatay sa isang matandang Japanese na lalaki, age 73 years old, noong March 30 this year.
Ayon sa mga lumalabas na mga news sa ngayon, ang kababayan nating Pinoy, age 38 years old ay formal ng kinasuhan ng Maebashi District Public Prosecutor's Office noong June 15 sa kasong robbery, murder and arson charge. Ang magiging hatol sa kanya ay depende sa magiging result ng trial by jury.
Ayon sa nilalaman ng indictment ng Maebashi District Public Prosecutor's Office, ang matandang lalaki ay nagtamo ng maraming sugat at pasa sa ulo, mukha at katawan nito na dulot ng paghampas sa kanya at ito ay namatay sa pagsakal sa biktima.
Tinangay din ng salarin ang cash money nito na umabot sa 166,000 Yen at isang necklace na nagkakahalaga ng mahigit 458,200 Yen. Upang maitago ang natamong pinsala ng matanda, binalutan daw ito ng blanket, binuhusan ng kerosene at saka sinindihan ng lighter kung kayat nasunog ang ilang bahagi ng katawan nito at bahay ng biktima. As of now, ang case na ito ay isang tao lang daw ang may kagagawan ayon din sa kanila.
Pareho sa mga pulis, hindi din sinabi ng Maebashi District Public Prosecutor's Office kung umaamin na ba ang kababayan natin sa kasong pinapataw sa kanya. Di rin sinabi sa news kung kelan magsisimula ang court hearing ng kaso ng kababayan natin.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|