Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Di nagbibigay ng child support, papatawan ng penalty Oct. 08, 2019 (Tue), 980 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ayon sa news na ito, gagawa ng isang city ordinance ang Akashi City sa Hyogou Prefecture, kung saan pagbabayarin nila ng penalty ang mga parent na hindi nagbabayad ng child support kahit na meron kasulatan o decision na inilabas ang family court bago mag-divorce ang mag-asawa.
Kung maisabatas ito, magiging kauna-unahang lugar dito sa Japan ang nasabing city na magkakaroon ng batas tungkol sa pagbibigay ng penalty sa mga parent na tumatakbo sa kanilang responsibility. Sa ngayon, walang batas dito sa Japan na maaaring maparusahan ang isang parent na hindi nagbibigay ng support sa kanilang minor age pang anak kahit na meron kasulatan na napirmahan ito o family court decision.
Plano ng nasabing city na maisabatas agad ito at maipa-implement simula April 2020. Ang plano ilang ipataw na penalty ay 5 lapad ang maximum.
Plano rin ng nasabing city hall na magbigay ng financial support sa mga single parent na hindi nababayaran o nabibigyan ng child support ng kanilang dating partner para sa kanilang anak. Ang amount na ibibigay nila ay same din sa napag-usapan o ayon sa kasulatan nila.
Hahabulin naman nila ang mga parent na ayaw magbayad lalong lalo na ang meron financial capability na tumatakbo lamang sa kanilang responibility sa kanilang mga anak ayon sa news.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|