Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Latest update ng Murder case sa Saitama Sep. 18, 2015 (Fri), 3,336 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
This is a follow-up news mula sa investigation na isinasagawa ng mga pulis about sa murder case na nangyari sa Saitama kung saan 6 ang napatay ng main suspect. Maraming mga news ang lumalabas kaya pinagsama-sama ko na lang here and translate the important thing only.
First, lumabas sa investigation ng mga pulis kahapon Sept 17, na ang bangkay na kanyang pinatay ay kanyang itinago upang hindi agad ito makita. Ang bangkay ng matandang babae na una nyang pinatay noong Sept. 16 ay kanyang tinabunan ng bath tub. Sa isang bahay naman, ang bangkay ng nanay at isang anak nito ay nasa second floor at ang isang bata naman ay nasa loob ng isang closet natagpuan. Pareho itong may mga saksak na syang ikinamatay.
Second, nagsagawa ng all out check ang mga pulis kahapon ng umaga sa lugar ng incident sa pamamagitang ng pag-deploy ng 560 police upang ma-check lahat ng bahay at matiyak na wala ng ibang biktima sa incident na ito.
Third, naglabas ng order ang head ng National Police Agency of Japan tungkol sa incident na ito kahapon Sept 17, at pinapa-check kung hindi ba nagkulang at kung tama ba ang naging operation at procedure ng mga pulis at the time na nasa poder nila ang suspect bago pa ito makawala sa kanila noong Sept. 13.
Forth, lumabas din sa investigation na nakunan ng ilang patalim ang suspect at the time na sya ay damputin ng mga pulis. Ang mga patalim na nakuha sa kanya ay may mga dugo na. Sinisiyasat ngayon ng mga pulis kung ito ang kanyang ginamit sa pagpatay base sa mga hugis ng sugat na natamo ng mga biktima. Ang suspect na naghiwa sa kanyang braso bago ito tumalon mula sa second floor ay nabalian ng buto sa ulo na syang naging cause ng pagkawalang ulirat ayon sa news.
Fifth, ayon sa nilabas na info today Sept 18 ng mga pulis, meron 10 LETTERS na sinulat gamit ang dugo ang suspect sa kwarto ng mag-asawang una nyang pinatay noong Sept. 14. Hindi ito masyadong clear dahil meron bakas na ito ay kanyang binura rin. Sinubukang ipabasa ito ng mga pulis sa ilan nilang kabaro na marunong magsalita ng Spanish at Purtoguese, subalit hindi rin nila maintindihan kung ano ang nakasulat dito.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|