malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


Mag-inang Perujin na subject for deportation, nagiging mainit na issue

Aug. 17, 2017 (Thu), 7,641 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Ayon sa news na ito, nagiging mainit na issue at usapin ang inilabas na deportation order ng Osaka Immigration laban sa mag-inang Perujin. Ang nanay na Perujin, age 51 at anak nitong babae, age 15 at anak na lalaki, age 14 ay kinakailangang umuwi ngayong month na ito ayon sa deportation order na ibinigay na hatol sa kanila.

Ang mag-ina ay nag-file ng case sa Osaka Court noong August 15 upang ipabago ang inilabas na hatol ng Osaka Immigration laban sa kanila at pahintulutan silang manatiling manirahan dito sa Japan. Dapat na bigyan ng pansin ng kinauukulan ang rights ng mga bata at hindi ang naging violation ng kanilang parents ayon sa laman ng kanilang defense.

Ang tatlong mag-ina ay nakatira sa ngayon sa Osaka. Ang nanay ay nakapasok ng Japan noong year 1994 gamit ang passport ng ibang tao o hindi nya tunay na identity. Sya ay nakisama sa isa nyang kababayan na lalaki na overstayer na naging asawa nya, age 60 at nagkaroon sila ng dalawang anak na parehong ipinanganak dito sa Japan.

Ang asawa nya ay minalas na nahuli noong year 2011, at dahil dito, nalaman ang kanilang kasong mag-asawa at naglabas ng deportation order ang Osaka Immigration para sa kanilang apat. Nag file ng kaso ang family na baguhin ang naging hatol, subalit natalo rin sila sa Supreme Court at inilabas ang final na hatol noong year 2015. Then last year 2016, ang asawa nyang lalaki na Perujin din ay na-deport at nakauwi na now sa bansa nila.

Dahil sa hindi nabago ang naging hatol ng Immigration, ang tatlong mag-ina ay kinakailangang ma-deport na rin this month. Iniutos ng Immigration na pumunta sila sa office every week upang ma-monitor sila simula last month of July.

Ang anak na babae na high school first year now ay hindi masyado makapagsalita ng kanilang language kung kayat para sa kanya ay hindi magiging maganda ang kinabukasa nya sa Peru. Ang anak namang lalaki ay ayaw ding umuwi dahil alam nyang magulo ang lugar nila. Nais nyang mamuhay ng peaceful dito sa Japan.

Ayon sa lawyer nang tatlo, dapat bigyang pansin ng Japan Ministry of Justice ang karapatan ng mga bata at hindi ang naging violation ng kanilang mga parents. Mas makakabuting manirahan silang tatlo dito kasama ang kanilang nanay upang makapamuhay ng maayos ang mga bata ayon sa news.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.