Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Makakatanggap ba ang mga trainee, talent, student at seikatsu hogo ng 10 LAPAD? Apr. 23, 2020 (Thu), 1,032 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Dahil sa walang humpay na mga katanungan ng mga kababayan natin dito kung sino-sino ba ang eligible na makatanggap ng 10 LAPAD na financial assistance, we tried to confirm it sa MIC( Japan Ministry of Internal Affairs & Communication), sa call center nila para matigil na ang paulit-ulit na tanong tungkol dito. You can make a call directly to them kung marunong po kayo mag Japanese if you want.
Ito ang mga sagot nila sa mga questions na aming tinanong sa kanila directly.
(1) Makakatanggap ba ang mga foreigner na under sa SEIKATSU HOGO sa ngayon?
Answer: YES. As long na naka-register sila sa city hall before APRIL 27, 2020.
(2) Makakatanggap ba ang mga TRAINEE?
Answer: YES. As long na naka-register sila sa city hall before APRIL 27, 2020.
(3) Makakatanggap ba ang mga TALENT/ENTERTAINER?
Answer: YES. As long na naka-register sila sa city hall before APRIL 27, 2020.
(4) Makakatanggap ba ang mga Japanese or Foreigner na nasa Pinas sa ngayon?
Answer: YES. As long na naka-register sila sa city hall before APRIL 27, 2020.
(5) Totoo ba ang limit na 30 LAPAD sa bawat family na more than 3 MEMBERS?
Answer: NO. Walang limit ito. Ang bawat member ng family ay makakatanggap ng 10 LAPAD. So kung meron kayong anak na apat, then kasama ang nanay at tatay, bale 60 LAPAD ang total na matatanggap.
(6) Paano ang magiging application nito?
Answer: Magpapadala sa inyo ng notice ang city hall, at kasama don ang details ng application na dapat nyong sundin pati na rin ang list ng documents na dapat ipasa. Then ipapadala ninyo pabalik ito sa city hall.
Kung naiitindihan nyo na po ng mabuti, bale ang GOLDEN RULE sa pag-apply nito ay kung NAKA-REGISTER KA O HINDI SA CITY HALL KUNG SAAN KAYO NAKATIRA DITO SA JAPAN, AT WALA NG IBA PANG CONDITION SILANG ISINASAMA. Subalit para sa ating mga foreigner, kinakailangan din na meron tayong VALID VISA upang masabing legal residence tayo dito sa Japan.
Para sa CALL CENTER ng MIC( Japan Ministry of Internal Affairs & Communication), please refer to the info below:
PHONE NUMBER: 03-5638-5855
BUSINESS HOUR: 09:00AM to 18:30PM (Close on Weekend & National Holiday)
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|