Consequences kapag hindi sinunod ang name sa asawa (03/08) 2 Nepalese ryugakusei, huli sa pag-work ng walang legal permit (03/08) Rice buyer, pinapakyaw na ang mga aanihin kahit wala pang tanim (03/08) Thai-jin na babae, huli sa pagnanakaw ng cable wire (03/07) Vietnamese na lalaki, huli sa pagbili ng nakaw na jewelries (03/07)
Homeless, hindi pinapasok sa evacuation center during typhoon Oct. 16, 2019 (Wed), 1,274 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Tokyo Taito-Ku. Ayon sa news na ito, dalawang lalaki na homeless ang napag-alaman na hindi pinapasok sa isang evacuation center sa lugar na nabanggit noong rumaragasa ang bagyong Hagibis.
Ang nasabing homeless ay pumunta sa evacuation center sa lugar nila noong gabi ng October 12, subalit nagulat sya sa sagot ng staff na nagbabantay dito. Sinabihan sya na ang evacuation center na pinuntahan nya ay para lamang sa mga residence ng Taito Ward at hindi sya pwede pumasok dahil sa Hokkaido ang residence nya. Walang nagawa ang homeless kundi manatili sa labas hanggang sa humupa ang bagyo.
Naging mainit na issue ito at nagkaroon pa ng debate sa pagpupulong ng mga mambabatas sa Japan Congress.
Sa ibang ward dito sa Tokyo tulad sa Sumida at Toyoshima, pinapapasok nila ang kahit na sinong tao kahit na hindi residence ng lugar nila. Sa Setagaya Ward naman, sinabihan pa nila ang mga homeless sa lugar nila bago pa man dumating ang bagyo ayon sa news.
Ayon naman sa Taito-Ku, nakasulat sa policy nila na ang pwedeng lumikas lamang sa evacuation center nila ay ang mga residence ng kanilang ward kung kayat naging ganun din ang tugon ng staff sa homeless na gustong pumasok sa evacuation center nila.
Naglabas naman ng pahayag ang head ng Taito Ward kahapon October 15 at ito ay humingi ng apology sa nagawang action ng staff nila sa evacuation center. Ayon dito, babaguhin nila ang kanilang policy at gagawin nila ang kanilang makakaya na magbigay ng support during calamity.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|