Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
What you should know about 8,330 YEN Financial Assistance? Mar. 14, 2020 (Sat), 1,071 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Sa mga nagtatanong tungkol sa financial assistance na ibibigay ng Japanese government bilang support sa mga parents na kinailangang mag-yasumi dahil sa biglaang pagsara ng mga Elementary School dito sa Japan epekto ng coronavirus, ang application nito ay hindi pa nag-uumpisa sa ngayon.
Ang mga sumusunod ay ang mahahalagang information na dapat mong malaman tungkol sa financial assistance benefit na ito:
Ano ang tawag sa financial assistance benefit na ito?
Ang formal na tawag nito sa Japanese language ay 小学校休業等対応助成金 (SYOUGAKKOU KYUUGYOU TAIOU JOSEIKIN) or Elementary School Closure Financial Assistance sa English.
Sino ang bibigyan ng assistance na ito?
Ayon sa Japan Ministry of Labor, ang bibigyan nila ng benefit na ito ay ang mga parents or guardian ng bata na kinailangang mag-yasumi sa kanilang work dahil sa biglaang pagsara ng mga Elementary School dito sa Japan dahil sa epekto ng coronavirus.
Magkano at ilang araw ang ibibigay na amount?
Ang amount na ibibigay sa bawat parents ay 8,330 YEN per day, at ang period na babayaran ng governement ay simula February 27 to March 31. Ang amount daw na ito ay almost equal sa ibabayad ng company sa isang worker nila kapag ito ay nag work-leave.
Kelan mag-uumpisa ang application nito?
Sa ngayon, ginagawa pa rin ng Japan Ministry of Labor ang guidelines tungkol dito, kung kayat hindi pa rin nag-uumpisa ang application sa ngayon. Agad daw nilang ilalabas ang info about sa application nito pagnatapos na at ito ay ilalagay nila sa Japan Ministry of Labor official website (https://www.mhlw.go.jp/index.html), at sa mga bawat prefectural website dito sa Japan.
Sino ang dapat mag apply nito?
Ayon sa mga news, ang dapat na mag apply daw nito ay ang mga company or employer at ang makukuha nilang amount ay ibibigay nila sa kanilang mga employee na nag-yasumi.
Ano ang mga kinakailangang requirements dito?
Ayon din sa mga nababasa namin, maaaring kailanganing ang WORK AGREEMENT dito ng company at employee bilang patunay ng kanilang working relationship. So sa mga kababayan natin na walang documents na ito, maaaring maging isang reason ito para hindi apply ng company or employer nyo ang maaaring makuha nyong benefit dahil mabibisto sila na meron silang illegalities na ginagawa.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|