Nanay at dalawang bata, natagpuang patay (12/10) Narita aiport, hihigpitan ang laban against drug smuggling (12/10) Bonus ng government employees, ibinigay na today (12/10) USJ Donkey Kong new area, to open tomorrow (12/10) Tomato 248 Yen, Kyabetsu 400 Yen (12/10)
Home care service, maaaring isama na sa work ng foreigner careworkers Jul. 24, 2023 (Mon), 419 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Sa mga kababayan natin na nursing and careworkers here in Japan be aware sa news na ito. Ayon sa news na ito, isasagawa today July 24 ang pagpupulong ng advisory panel ng Japan Ministry of Labor tungkol sa maaaring gagawin nilang pagbabago sa nilalaman ng works ng mga careworkers na foreigner dito sa Japan.
As of now, pinagbabawal sa policy nila ang pagsagawa ng mga home care services ng mga foreigner careworkers. Hindi sakop ng kanilang work range ang pagbisita sa bahay ng mga pasyente upang alagaan sila sa kanilang mga bahay.
Subalit dahil sa patuloy na kakulangan ng manpower nila sa nursing and careworker industry at sa dumaraming demand, maaaring buksan nila ito at i-allowed ang mga foreigner careworkers na magtrabaho din sa mga bahay na nangangailangan ng service nila.
Ang sakop na work ng mga home care service ay ang pagpapakain sa kanila, pagpapaligo, at pag-assist sa kanilang mga pangangailangan. Ang isa sa major problem dito ay ang communication skill ng bawat foreigner careworkers.
Pag-aaralan nilang mabuti sa ngayon kung ano ang magiging rules and condition kung sakaling i-allowed nila ito at baguhin ang kanilang policy sa ngayon.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|