malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Kuryente at Gas, muling magtataas ngayong May (05/06)
Mister Donuts, magtataas ng presyo simula July (05/06)
CostCo at Minami Alps City, to open April 2025 (05/06)
Moyashi, nagtataas na din ng presyo sa ngayon (05/06)
Population ng 15 year old below na bata, bumaba na naman (05/05)


200 Pinoy, to work as ground handling sa mga airport sa Japan

Jul. 11, 2023 (Tue), 170 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Ayon sa news na ito, aabot sa more than 200 na mga Pinoy ang schedule na papasok dito sa Japan this year under SSW (Specified Skill Worker) Visa Type 1 matapos na sila ay makapasa sa examination na isinagawa sa Pinas.

Ang mga kababayan nating ito ay nakapasa sa SSW Visa Type 1 examination kasama ang Japanese language under Aviation Industry, matapos ang ginawa nilang training at pag-aaral tungkol sa detalye ng kanilang magiging trabaho.

Tulad ng mga naipost ko na pong balita dito sa Malago na nagkukulang sa ngayon ng manpower ang halos lahat ng airport dito sa Japan, lalong lalo na sa ground handling area, ang mga workers na ito under SSW Visa ang pagkukunan ng Japan ng solution. So maybe later on, meron po kayong makikitang mga kababayan natin working on some airports here in Japan.

Ang ilan sa kanila ay nakapasok na dito sa Japan noong nagdaang May, at ang iba naman ay schedule na pumasok ngayong darating na Autumn season daw.

Meron mga school sa Pinas na nagbibigay ng training and courses particularly about aviation industry ng Japan tulad po ng PNTC (Phil-Nippon Technical College) na located sa Laguna. Sila din ay nag-aassist para sa preparation sa SSW examination.

Bukod sa mga school, meron ding mga private company na nagbibigay ng training at assistance sa aviation industry para makapag work dito sa Japan.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.