malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)




University student na lalaki, huli sa molestation charge (03/19)
Lolo, huli sa murder charge sa pagpatay sa kanyang asawa (03/19)
Teenager, huli sa molestation charge laban sa isang teenager din (03/18)
Mother, huli sa pagsakal at pagpatay sa 9 days old baby girl nya (03/17)
Patay na baby, natagpuan sa Tokyo Disneyland waste water disposal facility (03/17)


Japanese man, huli sa pagsaksak at pagpatay sa sariling ama

Jan. 06, 2017 (Fri)


Saitama Koshigaya City. Ayon sa news na ito, hinuli ng mga pulis ang isang Japanese man, age 43 years old, walang work, sa charge na pagpatay nito sa kanyang sariling ama, age 77 years old.

Nangyari ang incident kahapon January 5 ganap ng 7:00PM sa loob ng kanilang bahay sa lugar na nabanggit. Meron natanggap na tawag ang mga pulis mula sa ama nito na nagwawala ang kanyang anak na merong dalang kutsilyo. Agad na pumunta ang mga pulis sa bahay nila subalit nakita na lamang nilang nakahandusay ang ama at duguan ito. Isinugod nila sa hospital ang ama subalit hindi na umabot at namatay.

Inaamin naman ng anak ang charge sa kanya at pagsaksak sa kanyang ama kung kayat hinuli sya ng mga pulis. Inaalam pa ng mga pulis kung ano ang motibo ng anak sa ginawa nya ayon sa news.