malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)




Father na sumagip sa nahulog na anak, inanod sa ilog at nawawala (08/20)
Tour bus, bumaliktad sa kalsada sa Hokkaido, 48 katao sugatan (08/20)
Isang lalaki, huli sa pag-akyat sa bahay at pagnakaw sa gamit sa loob (08/20)
Child abuse cases, patuloy na tumataas for 26 consecutive years (08/18)
University student girl, huli sa pagtapon sa bagong silang na baby (08/18)


47 passengers, nakapasok ng Japan ng hindi dumaan sa airport immigration

Apr. 18, 2016 (Mon)


SBI Remit, for faster remittance service to the Philippines.


Ayon sa news na ito, nakapasok sa Japan kahapon April 17 ng gabi ang 47 na pasahero kung saan 41 dito ay mga Japanese at 6 naman ang mga foreigner nang hindi dumadaan sa airport immigration check ng magkamali ang limousine bus operator ng pinagdalhan sa mga ito.

Ang mga pasaherong ito ay sakay ng isang LCC plane na Vanilla Air galing ng Pekin at schedule to arrive in Narita ganap ng 5PM kahapon. Subalit dahil sa lakas ng hangin, hindi ito maka landing at bumaba pansamantala ito sa Chuubu airport. Then bandang 9:45PM saka lamang ito nakadating ng Narita at nakalanding. Dahil sa oras na ito, inakala ng isang company employee na nag-ooperate ng limousine bus na ang flight na ito ay domestic flight at dinala sila sa domestic flight arrival area kung saan hindi na kailangan pang dumaan sa immigration.

Meron isang pasahero na nakapansin sa pagkakamaling ito at itinawag nya sa Vanilla Air bandang 10PM at dito nalaman ang pagkakamali. Isinsagawa ang panawagan sa mga pasahero subalit mahigit 50 sa mga pasahero ay wala na sa arrival area ayon sa news na ito.

As of 9AM today April 18, ang 47 pasahero na hinahanap nila ay hindi pa rin naisasagawa ang immigration check at hindi nila ito ma-contact ayon sa news.


For your TAX REFUND (Income & Residence Tax), apply now at P&G Company Office.