malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Work in Japan as Nurse or Careworkers under JPEPA, application is open now (04/19)
Nahospital sa pag-take ng Kobayashi supplement, umabot na sa 236 katao (04/19)
Buwan ng Mayo, pinakaraming nahuhulog na bata sa Tokyo area (04/19)
Tourist in Japan last March, umabot sa 3 Million (04/18)
Lalaki, huli sa paninipang bigla sa 2 years old kid (04/18)


Pagbabago sa Child Care Allowance, nagiging mainit na usapin

Feb. 02, 2023 (Thu), 226 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Ayon sa news na ito, nagiging mainit na usapin sa pagitan ng mga Japanese politician sa ngayon kung ano ang gagawing pagbabago sa Child Care Allowance na natatanggap ng mga bata monthly, na isa sa main factor para maitaas ang child birth rate nila.

Merong tatlong inihahain sila sa ngayon na dapat daw baguhin. Una, dapat daw tanggalin ang annual income limit ng mga parents. Kahit na mataas pa ang annual income, dapat daw na makatanggap pa din ang mga anak nila para equal ang lahat.

Pangalawa, dapat daw ay gawin ito hanggang sa maka-graduate ng Senior High School ang bata. Sa ngayon, hanggang Junior High School student lang ang nabibigyan, and after na maging more than 15 years old na ang bata, hindi na nakakatanggap ito.

Pangatlo, dapat daw na itaas ang natatanggap na amount monthly, at gawin 10,000 to 15,000 YEN bawat isang bata. Sa ngayon ang amount na natatanggap ay depende sa age ng bata. Pag nasa Junior High school na ang bata, 5,000 YEN na lamang ang binibigay nila.

Let's wait kung ano ang mangyayaring revision na gagawin nila tungkol sa financial assistance na ito para sa mga bata dito sa Japan. Maaaring ma-finalize nila ang bagong policy tungkol dito sa mga darating na buwan.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.