malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)




Hunger strike sa loob ng Tokyo at Nagoya detention center, tapos na (05/26)
Lego Land, magbababa ng entrance fee ng almost 25% (05/26)
Nangholdap sa bangko ng walang weapon, huli ng mga pulis (05/25)
Breast cancer examination, magiging madali at hindi masakit using advance technology (05/25)
Lalaking taga Sri Lanka, huli sa failed carnapping incident (05/25)


Nenkin required eligibility para tumanggap, nabago na from 25 to 10 YEARS

Nov. 16, 2016 (Wed)


Good news for everyone, ayon sa news na lumabas now, naaprobahan na sa mataas na kapulungan here in Japan today November 16 ang pagbabago ng required years para tumanggap ng nenkin pension mula 25 years to 10 YEARS now.

Maraming mambabatas ang pumayag sa pagbabagong ito upang makatanggap ang maraming walang pension na meron namang history ng contribution na more than 10 years. Sa pagbabagong ito, mahigit 640,000 na pension members ang makakatanggap ng pension nila simula next year ayon sa news na ito.

Sa dating law, kapag natapos po ang required na 25 years at gusto mo agad makatanggap ng pension kahit na hindi ka pa retired, makakatanggap ka ng halos 4 na lapad every month. Sa bagong law now, kapag natapos mo ang 10 years na contribution at gusto mo ng mag-stop na magbayad at tumanggap na lamang ng pension, ang matatanggap mo lamang ay nasa 16,000 YEN monthly ayon sa news na ito.

So sa mga kababayan po natin dyan na meron contribution sa nenkin na 10 years or more at hindi na nagtatrabaho now for good, you can apply for your nenkin(pension) simula next year dahil eligible na rin kayong tumanggap nito.

Sa mga working naman po at nakapag-contribute na ng more than 10 years, just continue your contribution dahil mandatory po ito and automatically deducted sa salary ninyo. Pero the longer your contribution, the bigger will be your pension at the time of your retirement.