malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Fued




Company employee, sinaksak sa kalsada ng isang lalaki, patay (12/14)
Lolo, huli sa molestation charge laban sa kapitbahay na bata (12/14)
Nagbenta ng fake branded items online, huli ng mga pulis (12/14)
12 years old kid, nahulog sa roof top, patay (12/13)
Australian eikaiwa teacher, huli sa fake rail pass (12/13)


Dalawang matanda, biktima ng magkahiwalay na snatching incident

Dec. 04, 2017 (Mon)


For your TAX REFUND (Income & Residence Tax), apply now at P&G Company Office.


Saitama Kasukabe City. Ayon sa news na ito, dalawang magkasunod na snatching incident ang nangyari sa lugar na nabanggit kung saan parehong matanda ang naging biktima kahapon December 3.

Unang naging biktima ay ang isang matandang lalaki, age 65 years old. Ang biktima ay nakasakay sa kanyang bike at inilagay nya ang kanyang bag sa basket ng bike. Bigla itong tinangay ng isang lalaki na naka motorbike ng sya ay mag-overtake at nakuha nya ang bag na naglalaman ng 23,000 YEN cash. Nangyari ang incident na ito bandang 10:30AM.

Then after 10 minutes, almost 1 kilometer ang layo sa unang incident, meron namang isang matandang babae, age 68 years old ang naagaw din ang bag na dala nito na nilagay din nya sa basket ng bike na meron laman na 3 lapad. Ang matanda ay natumba at nagtamo ng light injury ng tinangka nyang habulin ang salarin.

Base sa pahayag ng mga biktima, maaaring ang salarin ay iisang tao lamang at ito ay pinaghahanap ng mga pulis sa ngayon.