malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)




Dalawa, huli sa pagbibigay ng work sa mga overstayer at refugee applicants (10/19)
One Day ACUVUE contact lense, to recall 30,000 boxes of products (10/18)
Mga batang papasok ng school, nasagasaan ng isang sasakyan (10/18)
Mother huli sa pagpatay sa kanyang sariling anak na 4 years old (10/18)
Isang babae, natagpuang patay sa isang gubat sa Shizuoka (10/18)


6 Thailander na overstayer, nahuli ng mga pulis

Oct. 07, 2016 (Fri)


For your TAX REFUND (Income & Residence Tax), apply now at P&G Company Office.


Kumamoto Uki City. Ayon sa news na ito, 6 na Thailander na babae at lalaki na mga overstayer ang nahuli ng mga local police matapos na ito ay walang maipakitang sapat na visa. Napag-alaman na ang 5 sa mga ito ay pumasok sa Japan noong September 2015, at ang isa ay October 2015 naman, na merong 15 days lamang na visa subalit hindi ito nagsipag-uwi.

Ang mga ito ay nagtatrabaho sa Kumamoto kung saan nag-aayos sila ng isang bubong ng bahay na nagiba sa nakaraang lindol. Noong October 5 bandang tanghali, ang mga ito ay bumaba sa isang cargo truck na napansin ng isang anonymous person na syang tumawag sa mga pulis dahil sa kakaibang kinikilos ng mga ito.

Agad na pinuntahan ng mga pulis ang lugar at dito nila inabutan ang anim na Thailander at kanila itong tinanong kung meron silang sapat na visa. Inamin ng mga ito na sila ay mga overstayer kung kayat hinuli na ng mga pulis.