malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)




Careworker trainee, to start coming in Japan by November (10/23)
H&M Utsunomiya branch, pinasok ng magnanakaw, benta natangay (10/21)
7 Katao, nahagip ng sasakyan na minamaneho ng isang matanda (10/21)
Bangkay ng isang babae, natagpuang lumulutang sa Tama River (10/21)
Mag-ina, nasagasaan ng sasakyan, anak na lalaki, patay (10/21)


2 Pinay, 4 na Japanese huli sa imitation marriage

Jun. 21, 2016 (Tue)


For your TAX REFUND (Income & Residence Tax), apply now at P&G Company Office.


Aichi Anjo City. Ayon sa news na ito, hinuli ng mga Aichi police kahapon June 20 ang dalawang Pinay na kababayan natin at partner nilang Japanese na employee nang isang sikat na company sa kasong imitation marriage. Kasama ring hinuli ng mga pulis ang dalawa pang staff nang club kung saan nagtatatrabaho ang dalawang babae bilang hostess. Pinasok din nila ang mga bahay nito upang mag investigate at makakuha pa nang mga evidence.

Sa investigation ng mga pulis, lumabas na ang dalawang Japanese na nasa fifties and forties ay employee nang isang car parts maker company at ang dalawang Pinay naman ay parehong nasa twenties pa lamang. Nagpasa sila nang marriage application sa Anjo city upang makakuha nang long term JAPANESE SPOUSE VISA ang mga babae at makapag trabaho sa club.

Ang dalawang Japanese ay parehong customer ng club kung saan nag tatrabaho ang mga babae at dito sila nagkakilala. Ang mga Japanese at Pinay ay parehong hindi nagsasama at hindi nakatira sa isang bahay kung kayat hindi masasabing ang kasal nila ay meron katotohanan ayon sa mga pulis. Ang owner ng club ang syang nag-lead sa mga ito upang isagawa ang imitation marriage at sila ay nagbabayad sa dalawang Japanese ayon sa news na ito.