malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)




Nanay at kinakasamang lalaki, huli sa pagpatay sa one year old baby (06/25)
Chikan suspect na lalaki, tumalon sa riles para makatakas (06/25)
Isang judicial scrivener huli sa charge na chikan (06/25)
Pinalabas na nagkasakit sa Pinas, huli sa health insurance sagi (06/23)
4 Vietnamese na lalaki na member ng akyat bahay, huli ng mga pulis (06/23)


Seikatsu Hogo (SH) G-Men, nagsasagawa ng investigation sa mga SH applicants

Mar. 13, 2016 (Sun)


SBI Remit, for faster remittance service to the Philippines.


Sa mga nandito sa Japan at medyo matagal nang naninirahan dito, siguro familiar na kayo sa salitang G-MEN na madalas nyong makita sa mga tv program. Madalas na ipakita ay ang mga nagnanakaw sa mga grocery store at tinatawag silang MANBIKI G-MEN na ang trabaho ay manghuli ng mga shoplifters.

By the way, ang saliting G-MEN na ginagamit ng mga Japanese ay GOVERNMENT OFFICIALS ang meaning. ang letter G ay mula sa word na GOVERNMENT. Ang ilan sa mga nagtatrabaho bilang G-MEN ay mga retired government officials o mga umalis sa trabaho nila at mga nagsarili.

Ayon sa article na ito, dumarami now ang mga G-MEN na nagtatrabaho bilang mga investigator sa mga SH applicants. Dumarami ang bilang nila dahil sa parami ng parami ang mga nagrireklamong mamamayan at nagri-report about sa mga SH applicants na sa tingin nila ay illegal na tumatanggap ng benefit na ito.

Sa Kanto area, nagsimula silang magkaroon ng G-MEN noong year 2008 ayon dito, at simula ng taon na ito, marami na silang nahuling mga illegal na tumatanggap ng SH benefit. Ilan sa mga ito ay nagsasakit-sakitan na kahit na magaling na ay hindi pa rin nagtatrabaho subalit lagi namang lumalabas ng bahay. Meron kinikitang pera sa online work na ginagawa subalit hindi niri-report. At ng tawagin nila ito para mag-report, hindi sya sumagot kaya pina-stop na nila ang pagbibigay ng benefit.

Marami rin ang mga cases na divorce imitation. Pinapalabas na divorce na ang mag-asawa upang maipakitang single parent na ang nanay at mag-apply at tatanggap ng SH benefit. Subalit after they investigate, lumalabas na nagkikita pa rin at nagsasama ang mag-asawa.

Kapag nalaman nilang medyo hindi kapani-paniwala ang isang SH applicant, magiging primary target na nila ito. Simula ng mag-conduct sila ng investigation hanggang sa lumabas ang result, umaabot ng almost one month ang processing ayon sa isang G-MEN


For your TAX REFUND (Income & Residence Tax), apply now at P&G Company Office.