malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)




Student, himalang nakaligtas after na mahulog sa riles at daanan ng express train (02/27)
3 years old boy, nalunod sa ilog, wala pa ring malay (02/27)
Zookeeper na babae, kinagat ng lion, nasa malubhang kalagayan (02/27)
Driver na nakasagasa sa Pinay na namatay, nahuli na ng mga pulis (02/26)
Japanese father, huli sa child abuse laban sa 6 months old baby (02/26)


Nurse, pinatay sa araw ng kanyang birthday ng kanyang ex-boyfriend

Dec. 15, 2016 (Thu)


Tochigi Utsunomiya City. Ayon sa news na ito, isang Japanese nurse, age 28 years old ang natagpuang patay sa loob ng kanyang apartment noong December 10 na duguan at maraming saksak na natamo sa katawan. Ang ex-boyfriend naman nitong Japanese din ay hinuli ng mga pulis at umaamin na rin na syang pumatay dito.

Bago mangyari ang incident, sinabi ng biktima sa kanyang kasama sa work na kailangan nyang makipagkita sa araw ng birthday nya sa ex-boyfriend nya kung kayat ito ang naging main suspect sa crime na nangyari. Matapos na magawa ng lalaki ang crime, sya ay tumakas gamit ang car ng biktima. Sya ay magpapagasolina sa isang gasoline stand sa Fukushima prefecture ng sya ay makita ng mga pulis at nahuli.

Lumabas sa result ng investigation ng mga pulis na ang biktima ay nagtamo ng more than 10 na saksak sa katawan nito at ang karamihan ay sa likod nya natamo. Malaki ang possibility na tinangkang tumakbo ng biktima kung kayat sa likod sya pinagsasaksak ng salarin. Sya ay namatay sa dami ng sugat na natamo nito.

Inaamin naman ng salarin ang charge sa kanya, at ayon dito, mas mabuti pang patayin na lang nya ang babae kesa mapunta pa sya sa ibang lalaki.