malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Fued
Carework




Anak na lalaking teenager, nasaksak ang ama, patay (01/21)
Nanay, huli sa tangkang pagpatay sa anak na 6 years old (01/21)
Umiiyak na 1 year old baby, sinakal sa loob ng train (01/21)
Nanunog ng mga jitensya na lalaki, huli ng mga pulis (01/21)
Nang-overtake na driver, nanuntok ng sya ay mapag-sabihan (01/21)


High school girl, huli sa pagtapon at pagpatay sa bagong silang na baby

Oct. 26, 2016 (Wed)


For your remittance services needs, apply now at Seven Bank Remittance.


Tochigi Yaita City. This is a follow up news tungkol sa bangkay ng bagong silang na baby na natagpuan sa isang JR station sa lugar na nabanggit. Ayon sa news na ito, nalaman na ng mga pulis kung sino ang nagtapon sa bangkay ng bata at ito ay isang Japanese teenager girl, 16 years old ,high school student.

Ang baby boy ay kanyang isinilang noong October 16 sa isang public toilet sa harapan ng JR Yaita station, then pagkasilang nya dito ay iniwan nya ang bata sa tabi ng isang halamanan sa gilid ng toilet. Matapos nya itong ipanganak, sya ay sumakay ng taxi kasama ang ama ng bata mula sa nasabing station ayon sa news.

Ayon naman sa driver ng taxi, ang babae ay hindi umupo sa taxi at that time at naka-squat lamang. Nang kanya itong maibaba at tingnan ang upuan sa likuran, nakita nyang maraming dugo sa paahan ng taxi.

Inaamin naman ng babae ang charge laban sa kanya at nagawa nya daw ito dahil sa ayaw nyang may makaalam sa kanyang pagbubuntis at pagsilang sa bata. Sinisiyasat din ng mga pulis ang lalaking kasama nya at that time na maaaring ama ng batang namatay.