Nanay at dalawang bata, natagpuang patay (12/10) Narita aiport, hihigpitan ang laban against drug smuggling (12/10) Bonus ng government employees, ibinigay na today (12/10) USJ Donkey Kong new area, to open tomorrow (12/10) Tomato 248 Yen, Kyabetsu 400 Yen (12/10)
Coronavirus present status and its impact in Japan Mar. 01, 2020 (Sun), 1,125 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Its March today, at para sa kaalaman ng mga kababayan natin dito sa Japan, we will try to summarize kung ano-ano na ang nangyayari dito sa Japan related sa coronavirus (COVID-19) na kumakalat sa ngayon. Please read this lalo na kung kayo ay nakatira sa ngayon dito sa Japan para sa inyong kaalaman.
First and foremost, sa bilang ng mga infected sa nasabing virus here in Japan, as of March 1, 11:30AM, umabot na ito sa 947 katao. Cruise ship (705), charter plane (14) and land territory (228). Meron na ring naitalang 11 katao na namatay, at 41 katao naman daw ang gumaling at nakalabas na ng hospital as of February 27.
Second, regarding sa pagsara ng mga school naman as REQUESTED by Prime Minister starting March 2 until spring vacation, most prefecture and municipality ay naglabas ng pahayag na sila ay makikipag-cooperate, subalit meron ding hindi magsasara at itutuloy nila ang klase habang mino-monitor ang effect ng coronavirus sa kanilang lugar. So to confirm kung wala na bang pasok ang mga anak nyo, check nyo ang info na ilalabas ng inyong local municipality at school kung saan nag-aaral ang inyong anak.
Third, in relation sa pagsara ng mga school and in case na kinakailangang mag-yasumi ang kanilang parents at hindi makapag-work, naglabas ng pahayag kahapon ang Japanese government na maglalaan sila ng financial support para dito. Your employer or company can apply for this assistance para maibigay sa mga parents ayon sa mga news.
Forth, para naman sa mga kakulangan ng mga supply sa ngayon lalo na sa mask at mga toilet paper related products, naglabas ng pahayag ang mga kinauukulan na maraming lalabas na supply na mask ngayong March dahil sa nag-request sila sa mga manufacturer nito at sila ay nasa full operation sa ngayon. Ipagbabawal na rin nila ang pagtinda nito online. Sa toilet paper naman, meron sapat na supply nito sa ngayon at wala daw dapat ipangamba. Meron kayong mabibili na mask at toilet paper, kung maaga lamang kayo at may tyagang pumila sa mga drugstore at supermarket.
Fifth, para naman sa mga travel ban issue na kumakalat, as of February 29, walang nilalabas na TRAVEL BAN ang Japan para sa mga traveler from Philippines, at ang Philippines din para naman sa mga traveler from Japan. So you can travel in both country ng walang magiging problem sa ngayon. Meron lang lumalabas na mga balita sa Pinas na pinag-aaralan nila sa ngayon, kung isasama nila sa temporary ban ang Japan, katulad ng nilabas nila sa South Korea.
Sixth, para naman sa mga na-quarantine sa loob ng Diamond Cruise ship, as of now, kukunti na lamang ang nasa loob nito at mostly ay nakababa na kasama na ang mga kababayan nating Pinoy na nakauwi na ng Pinas. Kaya lang, meron mga cases sa ngayon na nagiging positive sa coronavirus ang ilang pinababang pasahero nito matapos na sila ay makauwi after na lumabas na negative ang medical check nila noon.
Eight, ang mga major theme park like USJ and Disneyland at mga major tourist spot facility ay naglabas ng pahayag na sila ay mag-sasara for almost 2 weeks starting yesterday, at maaaring mag-resume sila ng operation sa March 16 kung sakaling maging stable na ang situation ng coronavirus. So, I think hindi recommended or advisable na mag-tour during this period here in Japan.
Lastly, in case na kayo ay magkaroon ng coronavirus dito sa Japan, ang lahat ng expenses ay bayad ng Japan government kahit na kayo ay ma-confine sa hospital matapos na ma-declare nila ang coronavirus na Designated Infectious Disease. So, sa mga kababayan nating mga overstayer dito sa Japan, wag po kayong matakot na pumunta sa hospital kahit na wala kayong visa, kung inaakala nyong nahawa na kayo ng nasabing virus. Ang expenses naman para sa medical check lamang for coronavirus ay inaasahang magiging sakop ng KENKOU HOKEN (Health Insurance), at ito maaaring mag-umpisa this coming week ayon sa mga news.
As of now, ito ang mga bagong information na lumabas dito sa Japan related sa coronavirus na dapat nyong malaman. Kung meron pa kayong additional information, please share it in comment section.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|