malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Fued
Carework




Shared Taxi in Tokyo, maaaring isagawa sa madaling panahon (01/22)
Mga company employee, pinakamaraming bilang ng tumatama sa Takarakuji (01/22)
Kidnapper ng isang high school girl, huli ng mga pulis (01/22)
Nanay, namatay sa pagsagip sa anak na tinangay ng alon (01/22)
Anak na lalaking teenager, nasaksak ang ama, patay (01/21)


Isang batang babae, nawawala sa bundok ng Nagano

Aug. 29, 2016 (Mon)


For your remittance services needs, apply now at Seven Bank Remittance.


Nagano Otari Village. Ayon sa news na ito, isang batang babae, elementary grade one student, 7 years old, ang nawawala sa gitna ng bundok simula pa noong August 27. Ang bata ay sinimulang hanapin ng mga kinauukulan kahapon subalit hindi nila nakita ang bata.

Ayon sa investigation ng mga pulis, kasama ang family nito sila ay umuwi sa bahay ng kanyang lola para sumali rin sa matsuri noong August 27. Bandang 11AM, hinabol nyang mag-isa ang kanyang nanay at kuya na umalis papuntang shrine. Sya ay huling nakita sa isang torii (gateway of shrine) at hindi na nalaman ang kinaruruunan nito.

Mahigit 110 katao kasama ang mga pulis, fire fighters at ilang mamamayan na volunters ang naghanap kahapon subalit hindi nila nakita ang bata. Nakita lamang nila ang sandal na suot nito. Isinagawa muli ang paghahanap sa bata kaninang 6AM ayon sa news.