malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)




Careworker trainee, to start coming in Japan by November (10/23)
H&M Utsunomiya branch, pinasok ng magnanakaw, benta natangay (10/21)
7 Katao, nahagip ng sasakyan na minamaneho ng isang matanda (10/21)
Bangkay ng isang babae, natagpuang lumulutang sa Tama River (10/21)
Mag-ina, nasagasaan ng sasakyan, anak na lalaki, patay (10/21)


Matandang mag-asawa, huli sa illegal na pagtanggap ng 1,300 lapad na Seikatsu Hogo

Sep. 30, 2016 (Fri)


For your TAX REFUND (Income & Residence Tax), apply now at P&G Company Office.


Shiga Nagahama City. Hinuli ng mga Shiga local police ang isang matandang Japanese na mag-asawa 70 and 65 years old sa charge na illegal na pagtanggap ng Seikatsu Hogo na umabot sa 1,300 lapad. Ang perang ito ay natanggap nila simula December 2009 to August 2016.

Lumabas sa investigation na ang asawang lalaki, 70 years old ay nagtatrabaho pala sa isang security company at merong natatanggap na salary subalit sila ay nag-apply ng Seikatsu Hogo sa Kyoto City kung saan nakalagay ang address nila.

Hindi parehong inaamin ng mag-asawa ang allegation laban sa kanila. Sinasabi lang ng lalaki na meron time na wala syang sinasahod kaya nag-apply sila ng SH benefit.