malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)




Sunog na dulot ng electric stove, dumarami (11/23)
300 Salmon fish, ninakaw sa Hokkaido (11/23)
Ibaraki, to conduct strict policy sa mga nagpapatrabaho ng mga foreigner (11/23)
Sponge na ginamit sa operation, naiwan sa katawan ng 3 pasyente (11/22)
Company employee, huli sa panghihipo sa loob ng train (11/22)


University student, huli sa pagtulak sa GF sa riles ng train

Nov. 07, 2016 (Mon)


For your TAX REFUND (Income & Residence Tax), apply now at P&G Company Office.


Kanagawa Yokohama City. Ayon sa news na ito, hinuli ng mga local police ang isang Japanese male, 22 years old, Keio University student sa charge na attempted murder matapos nitong itulak sa riles ng train mula sa platform ang kasama nyang girlfriend.

Nangyari ang incident kahapon November 6 ganap ng 9PM sa Tokkyu Touyoku Line Hiyoshi Station. Nagkaroon ng pagtatalo ang mag-syota na syang nagtulak sa lalaki na ihulog nya sa riles ng train ang kanyang girlfriend na isa ring university student, age 21 years old.

Inaamin naman ng lalaki ang pagtulak nya sa babae subalit wala raw syang intention na patayin ito. Agad namang napindot ng station staff ang emergency button kung kayat nakahinto agad ang paparating na train at nakaligtas ang babae sa kapahamakan. Nagkaroon lang ito ng sugat sa kanyang tuhod sa pagbagsak nya mula sa platform ayon sa news.