Nanay at dalawang bata, natagpuang patay (12/10) Narita aiport, hihigpitan ang laban against drug smuggling (12/10) Bonus ng government employees, ibinigay na today (12/10) USJ Donkey Kong new area, to open tomorrow (12/10) Tomato 248 Yen, Kyabetsu 400 Yen (12/10)
Pinay, nabigyan ng Appreciation Certificate ng mga pulis Nov. 29, 2022 (Tue), 538 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Fukuoka Kasuga City. Ayon sa news na ito, nabigyan ng parangal ng Kasuga Police station today November 29, ang isang kababayan nating Pinay, age 49 years old, matapos na matulungan nya ang isang batang nawawala.
Nangyari ang incident noong November 9 ng hatinggabi. Ang kababayan natin ay nagmamaneho ng kanyang kuruma ng makita nya ang batang lalaki, 2 years old, na naglalakad na mag-isa sa gilid ng kalsada.
Hinintuan nya ito at tinanong nya ang bata kung nawawala ba sya at kung saan ang kanyang nanay. Dahil dito, agad na lumapit sa kanya ang bata habang ito ay umiiyak. Dahil sa hatinggabi na at malamig, binalutan nya ito ng kumot at kinarga.
Wala daw dalang keitai denwa (cellphone) ang kababayan natin kung kayat nakiusap sya sa isang lalaki na nakita nya na syang tumawag sa mga pulis. Dahil sa ginawa ng dalawang ito na parehong nabigyan ng parangal, ligtas na nakauwi ang bata sa kanyang mga magulang.
Ayon sa mga pulis, ang bata ay nakalabas ng bahay na hindi napansin ng kanyang nanay at nawala ito. Napunta ito sa lugar kung saan sya nakita na 300 meters ang layo sa bahay nila. Nagpapasalamat sila sa dalawa sa tama at mabilisan nilang ginawang action sa pagtulong sa bata.
Ayon naman sa kababayan natin, atarimae lang daw po ang kanyan ginawang pagtulong sa batang nakita nya at natutuwa syang ligtas ito.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|