Japan Netflix, nagtaas ng monthly charge (10/13) 2 Vietnamese, nawawala matapos tangayin ng malakas na agos ng dagat (10/13) Pinay, huli sa pagmamaneho ng car na expired na ang syaken (10/11) Babaeng nag-aalok ng panandaliang aliw sa Kabukicho, dumarami na naman (10/11) Lalaki, huli sa pagpapatira sa 29 overstayer na Indonesian (10/10)
Pinay, sinaksak ng di kakilalang lalaki, patay Jun. 10, 2024 (Mon), 405 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Yokohama City Nishi-ku. Ayon sa news na ito, isang kababayan nating Pinay, age 57 years old, walang work, ang biglang sinaksak ng di kakilalang lalaki, napuruhan at namatay. Nangyari ang incident kahapon June 9 ganap ng 7:30PM.
May nakakitang lalaki sa kababayan nating nakahandusay at duguan kung kayat itinawag nya agad ito sa mga pulis. Agad nila itong pinuntahan at nakita nila ang kababayan nating wala ng ulirat. Isinugod nila agad ito sa hospital subalit hindi na umabot at namatay.
Bandang 11PM, ang lalaking nanaksak, age 33 years old, walang work ay pumunta sa kouban na malapit sa Yokohama Station Nishi-guchi para sumuko voluntarily. Dala pa nya ang patalim ng pumunta sya sa mga pulis at sinabi nitong may sinaksak sya at napatay na tao kung kayat hinuli nila ito.
Ang kababayan natin ay nagtamo ng ilang saksak sa dibdib na syang ikinamatay nito. Ang dalawa ay walang relation at hindi magkakilala ayon din sa news.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|