malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)




4 libong lapad, naholdap sa Ginza mula sa isang lalaki (04/23)
4 Koreanong lalaki, na-hold sa airport sa pagpuslit ng malaking pera (04/21)
Visual image from projector, nagiging touch screen (04/21)
Suicide count ng mga batang Japanese, patuloy na tumataas (04/21)
Japanese on business trip, binaril sa Manila, patay (04/21)


Suicide cases in Tokyo, mataas ang percentage ng mga kabataan

Feb. 22, 2016 (Mon)


Ayon sa news na ito, nagiging malaking problem ng Tokyo Metropolitan kung paano mapipigilan ang pagtaas ng mga suicide cases sa ngayon lalo na sa mga kabataan. Sa data na kanilang nakalap, lumalabas na bumababa ang mga suicide cases nationwide.

Subalit kung titingnan ito sa age bracket, mataas ang percentage ng mga nagpapakamatay sa Tokyo area na ang age ay below 30. Umaabot ng more than 30% ito compare sa average na 26.3% nationwide.

Ang nakikitang malaking dahilan sa pagtaas nito ay ang mga nagtatrabaho sa mga black company na tinatawag kung saan sila ay masyadong nagkakaroon ng pressure at stress. Lalo na ang mga kabataang galing ng province at pumupunta ng Tokyo. Sa kakaibang buhay dito sa Tokyo, hindi sila makasabay at nahihirapang makipag kaibigan ayon sa news na ito. Kadalasang nag-iisa sila kahit na meron malaking problemang dinadala at kapag hindi na ito nakakaya ay madalasa na naiisipang magpakamatay.