malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)




Parents, huli sa pagtangkang pagpatay sa 1 year old baby boy (05/24)
Supermarket sa Saitama, hinoldap, 600 lapad natangay (05/24)
Nandudurang lalaki sa mga babae, hinuli ng mga pulis (05/24)
Tatlong akyat-bahay na magnanakaw, nahuli matapos matangay ang 660 lapad (05/24)
Classmate, pinakain ng mga insekto at tae ng aso (05/24)


Under deportation, nag-hunger strike sa loob ng Osaka detention center

Feb. 11, 2016 (Thu)


Ayon sa news na ito, nagsasagawa ng hunger strike ngayon ang mahigit 40 kataong nakakulong sa loob ng Osaka detention center simula kahapon February 10. Ito ay napag-alaman ng isang NGO na nagbibigay ng support sa mga nakakulong dito.

Ang mga ito ay nagsagawa ng hunger strike dahil sa wala silang natatanggap ng explanation mula sa taas ng isa sa mga officer nito ay pinag sabihan ang mga nakakulong na wala silang rights para mag-request ng pagbabago sa pagkain at medication sa loob ng detention center.

Ang mga nakakulong sa loob ng detention center ay nagpasa sa taas ng kasulatan noong January 6 kung saan hinihiling nila ang improvement sa pagkain na binibigay sa kanila, sa medication, sa mga limited na pagkain na binibigay sa kanila ng mga dumadalaw at sa haba ng pagkakulong sa loob. Subalit ng kinausap ang mga representative ng mga nakakulong ng immigration, sinabihan silang meron order for deportation silang lahat at wala silang rights para mag-hangad ng anomang pagbabago sa mga ibinibigay sa kanila sa loob ng detention center.